PAHAYAGANG PILIPINO PARA SA BAGONG PILIPINO. Nº 3. OKTUBRE Isang ngiti sa hinaharap. Pakikipagsapalaran sa loob ng Iskwelahan

Documentos relacionados
Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan *

CASA ASIA Y FILIPINAS CASA ASIA AT PILIPINAS

Sus Beneficios Dentales de la Culinaria y los Dentistas. Ang Lyong Mga Benepisyo at Dentista sa Dental ng Culinary

Panitikang Asyano. (Gabay ng Guro) DRAFT

MIDI MP3 TITLE ARTIST MIDI MP3 TITLE ARTIST

NOTICE OF THE REGULAR MEETING OF THE SAN FRANCISCO RESIDENTIAL RENT STABILIZATION & ARBITRATION BOARD,

NOTICE OF THE REGULAR MEETING OF THE SAN FRANCISCO RESIDENTIAL RENT STABILIZATION & ARBITRATION BOARD

Literatura. GURREA, Adelina Cuentos de Juana Manila: Instituto Cervantes, 2009 ISBN

Literatura. GIRIN, Michel La prisionera del mago Zaragoza, Edelvives, 2009 ISBN (euskaraz: Magoaren gatibua)

Level 1 Spanish, 2013

IMPORTANTE: USTED SE HA INSCRITO EN UN PLAN NUEVO PARA SUS SERVICIOS DE MEDICARE Y MEDI-CAL.

Resumen de beneficios de Transamerica MedicareRx Classic (PDP)

Emilio Calandín. Tres Canciones. Remansillo Poema Poema II. Para Voz y Guitarra (Soprano)

Preguntas importantes

Grado. 5 7 de mayo de Programa de Exámenes del Estado de Nueva York Examen de Matemáticas Libro 3

Blue Cross MedicareRx (PDP) SM

Aviso anual de cambios para 2015

Naves Logísticas en Alquiler. Central Logis Vila-rodona

ANEXO DE TASAS Y CARGOS DEL CONTRATO DE TARJETA DE CRÉDITO A partir del 30 de septiembre de 2015

PETER PAN: GUIA DE LECTURA. 1.- Introducción. Por Manuel Vilas

Plan de Servicio para los Beneficios de BlueCross y BlueShield : Opción estándar

Health in Peru, Prepared by Leigh Campoamor

ANEXO DE TASAS Y CARGOS DEL CONTRATO DE TARJETA DE CRÉDITO VISA A partir del 30 de septiembre de 2015

La Monacilla. Aljaraque (Huelva)

Acaríciame, mírame, junto a ti me siento muy bien.

PERRO BERDE NÚMERO CINCO Diciembre 2014

Grado de marzo de Programa de Exámenes del Estado de Nueva York Matemáticas Libro 2

1. En el mercado de mi pueblo hay muchas verduras de muchos colores qué hay en el mercado? cómo son las verduras? dónde está el mercado?

Proyecto COPCHAVET: Coping with Challenges on Vocational Education and Training in Agricultural (green) sector. DIFUSIÓN

Sus Beneficios Dentales de la Culinaria y los Dentistas. Ang Iyong mga Benepisyo sa Ngipin at Dentista sa Culinary

Proyecto COPCHAVET: Coping with Challenges on Vocational Education and Training in Agricultural (green) sector. DIFUSION

Resumen de beneficios

SAMPLE SAMPLE SAMPLE SAMPLE

Fiesta nacional: 12 de junio, Día de la independencia de España y Estados Unidos, 1898.

PRESS MEDIA BOOK THE LEADING OFFER

LEYENDAS DE LAS AMÉRICAS. Una leyenda azteca sobre la buena fortuna ATZIN. Versión de Patricia Petersen Ilustraciones de Sheli Petersen

EmployeeElect para pequeñas empresas Saver $30 HMO

Teachers/Maestros. Ms. Ellis. Spanish Language Arts/Social Studies Artes del lenguaje en español y estudios sociales

«Los hijos son un regalo del Señor; son una recompensa de su parte». Salmo 127:3

Newsletter 9. Dr. Pablo Echarri

Primera edición: octubre de 2015

Granit 1280i. Guía de inicio rápido. Lector Láser Industrial de Amplio Rango LS-QS Rev A 1/14

COLEGIO DE ESTUDIOS SUPERIORES DE ADMINISTRACIÓN HOJA DE VIDA

Controles Habrá controles sobre los episodios de La comunidad y sobre las lecturas.

GENERAR DOCUMENTACIÓN ON-DEMAND

Trade in Services in Latin America and the Caribbean: trends and dynamic sectors

DOCUMENT RESUME ED FL

I ENCUENTRO INTERUNIVERSITARIO HISPANO-ÁRABE HI SA RA. SEVILLA, ESPAÑA de MAYO,

Lesson 07: Verb + Not, Verb +? Lección 07: Verbo + No, Verbo +?

Clear Aligner. Your secret Orthodontics. Casos clínicos Volumen #1. Case Reports Volume #1. Dr. Pablo Echarri

Mejore su proceso de administración de viajes y reservas en línea con SAP Cloud for Travel & Expense y GetThere Francisco Del Valle Marzo 12, 2014

La Generosidad de Dios hacia mi persona

Rumpelstiltskin. Sample file. Versión del cuento de los hermanos Grimm. por Eric Blair ilustrado por David Shaw. Traducción: Patricia Abello

Grado. 5 7 de mayo de Programa de Exámenes del Estado de Nueva York Examen de Matemáticas Libro 2

Lee y señala las palabras que te indican. mesa pelo oso polo. mapa lola papá mamá. palo lupa sopa pupa. pala pepe pipa muela.

Grado de marzo de Programa de Exámenes del Estado de Nueva York Examen de Matemáticas Libro 2

Como comunicarse con el personal de la escuela

Copyright 2002 Texas Christian University, Fort Worth, Texas. Todos los derechos reservados.

Plan de Promoción de Kawasaki para una

DUAL IMMERSION PROGRAM INFORMATION PRESCHOOL PRESENTATION SEPTEMBER 10, :30 P.M.

ACCIÓN POSITIVA CUESTIONARIO PARA EL NIVEL ELEMENTAL BAJO

ACTIVIDADES PARA LA CLASE

Trademarks Third-Party Information

22. Juegos de cierre. Índice Un qué? p Por el ojo de buey p Eco-cesto p Me voy de viaje p. 5

Porta Terrassa. La Mejor Oportunidad Comercial de Terrassa Parc Vallés Terrassa (Barcelona)

Tracusa, La Ruta del Sol, en ruta al éxito con SAP

Algunas preguntas simples sobre España

ACUERDO REPRESENTACIÓN. El Agente como se define en El formulario de registro del Agente. International Education College TEMIS

Legal issues in promoting FOSS in R+D projects Policy, Organisation and Management

po ta da la te to pa vo ga no de o ca lo ma ca ce me ti to ve po te lo la o so ba te ja to ro po ba ca na ra te os pe sa me al za ca ce ba li

Modasa: Innovación y tecnología de avanzada con SAP BI

D. Adolfo López Rausell

Mark Scheme (Results) November 2010

Diccionario visual. Bebé. Maleta. Contrabajo. Camisa. Fuente. Pantalón. Capítulo 1

SAP y Petrofac, tecnología para explotar la riqueza de México

NANAS DE LA CEBOLLA. Eugenia y Alejandro.

BSc. (Hons) Tourism and Hospitality Management. Cohort: BTHM/10B/FT Year 1. Examinations for 2010/2011 Semester II.

Synergy Spanish Solutions. Día de San Valentín Audio Lessons

Preguntas importantes. Por qué es importante?

Cuaderno de Escritura

Scholarship 2014 Spanish

Una cosa que es redonda, de goma y bota. Una cosa redonda, que flota en el aire y que revienta si la pinchas con un alfiler

Lectura/Artes del lenguaje Grado 2 Semejanzas y diferencias

Resumen de beneficios

TEACHER TOOLS: Teaching Kids Spanish Vocabulary. An Activity in 4 Steps

Selección de José Luis Ferris. Ilustraciones de Betania Zacarias

Bienvenidos a: Recursos para tu Desarrollo Profesional como VISTA

CURSO 1 ASIGNATURA DEPARTAMENTO AREA NOMBRE_COMPLETO DOCTOR

Summer Reading Program. June 1st - August 10th, 2015

Level 1 Spanish, 2010

Newsletter 13. Dr. Pablo Echarri

Palabras del agua que canta

EMPRESAS ESPAÑOLAS ESTABLECIDAS EN: Filipinas. Página 1 de 5

Consultoría, políticas públicas, e-administración, transparencia.

LENGUA ESPAÑOLA: GRAMÁTICA DE LA ORACIÓN COMPUESTA/SPANISH LANGUAGE: THE GRAMMAR OF COMPLEX SENTENCES

Spanish survey results 32 respondents 1. 53% women, 47% men 2. Age: 34% % % % % 18-24

Mexico, Mexico City; 28 May 2001 LIST OF PARTICIPANTS

Pontificia Universidad Catolica de Chile

Conoce los contenidos

Oportunidad de Solar Industrial en Venta. Sector Industrial Porta Est, Terrassa Barcelona

Transcripción:

PAHAYAGANG PILIPINO PARA SA BAGONG PILIPINO. Nº 3. OKTUBRE 2009 Isang ngiti sa hinaharap Baha at Bahala Di nabagyong bayanihan Pakikipagsapalaran sa loob ng Iskwelahan Pinoy o Español? Tikbalang, kapre atbp.

Editorial Baha BOSES PINOY Tunay na nakatataba ng puso ang pagbuhos ng donasyon sa Pilipinas na galing sa iba t ibang bansa at sa mga kababayan nating Pilipino sa loob at labas ng Pilipinas. Subalit hindi natin kailangan ng band-aid solution o panandaliang lunas lamang bagkus ay nararapat na ugatin at solusyonan ang sanhi ng mga trahedya. Hindi ang halos 20 bagyo at iba pang uri ng kalamidad na sumasalanta sa Pilipinas taun-taon ang kumitil sa maraming buhay kundi ang Bahala Nakababahala ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang nalululong sa droga o nasasangkot sa krimen. Sa lipunang ating kinapapalooban, hindi lingid sa ating kaalaman na maraming magulang at guro ang naging biktima ng karahasan ng kanilang sariling anak o ng kanilang estudyante. Ngunit maling isisi lamang sa kabataan ang lahat ng ito at mali ring isipin na ang lahat ng kabataan ay rebelde at basagulo. Ang ilan ay mas responsable pa nga sa mas nakatatanda. Maraming salik na dapat isaalang-alang upang maunawaan at mabigyan ng angkop na lunas ang na- kawalan ng kahandaan at hindi pagtupad at pagsunod sa mga batas. Taos pusong nakikiramay at nakikiisa ang Ang Bagong Filipino sa ating mga kabababayang nasawi at nasalanta. Hindi na dapat maulit ang mga ito. Huwag sanang lumubog sa laot, matupok ng apoy, matabunan ng bundok ng basura o maanod ng baha ang mga balakin ng mga kina uukulan upang mapigilan ang isa pang trahedya. sabing suliranin. At dahil sa ang kabataan ay kabilang ng lipunan, dapat lamang tingnan ang impluwensiya ng mga institusyong panlipunan: mga magulang, mga kaibigan o kaklase, ang paaralan, ang simbahan, ang pamahalaan, at ang makapangyarihang media. Lahat ng ito ay may responsabilidad. Anumang hakbangin upang masugpo ang nasabing problema ay nangangailangan ng partisipasyon ng lahat ng mga nabanggit na institusyon. Sa kaso ng mga estudyanteng Pilipino sa España, nabanggit na napakalaki ng impluwensiya ng mga magulang upang maabot ng kanilang anak ang pinapangarap sa buhay. Malaki rin ang responsabilidad ng mga magulang sa paghubog ng identidad ng kanilang anak. Kasama rito ang pagpapaalala ng kanilang pinagmulan at pagtuturo ng mga mabubuting kaugaliang Pilipino. Ngunit nararapat tanggapin natin na ang mga kabataang pinanganak o lumaki rito ay mga Español na kaya t kung minsan ay iba na rin ang kultura at pananaw nila. Hindi nararapat mabahala. Ang mahalaga ay lumaki silang taglay ang mabubuting kalinangang Pilipino at kaugaliang Español. PABALAT LETTERS TO THE EDITOR Saan makakakuha ng kopya? Isa po ako sa mga nakakuha ng kopya ng 2nd issue ng inyong newsletter. Sana ay magpatuloy pa ito. Saan po ba puwedeng makakuha ng kopya? Mildred T., Madrid Hola Mildred, Dalawang daang kopya lang ng Ang Bagong Filipino ang ipinapalathala namin dahil na rin sa kakulangan ng pondo. Maaari kang makakuha ng kopya kung Ipamahagi ang Magandang Balita! pupunta ka sa mga establesimiyento na sumusuporta sa amin o kaya naman ay puwede mo itong ma-download sa www. comunidadtulay.com o sa www.gkspain. org. Maraming salamat sa pagtangkilik! Ang Bagong Filipino Ánimo! Ánimo! Estáis haciendo un gran trabajo! Félix, Barcelona Si Janelle Perez Navarro ay dalawang taong gulang at anak nina John Grey at Jellen. Siya ay ipinanganak sa Barcelona. Magsisimula na siyang pumasok sa iskwelahan sa susunod na taon. Magkahalong salitang Tagalog at Español ang alam bigkasin ni Janelle. Ang Bagong Filipino Contributor Mia Rivera Fresnido Editors Anna Mae Cortez Tolentino-Neil dela Cruz Gadiano-Nathaniel Sisma Villaluna-Settie Anne Tolentino- Aodh Matthew Visitación Patrimonio Layout Artist/Spanish Editor Francisco Javier Gutiérrez Rodríguez Editor in Chief Daniel Infante Tuaño. All rights reserved. No portion of this publication may be reproduced by any means without prior written consent. The opinions expressed herein are solely of those of the writers and contributors and do not necessarily reflect the view of the staff of Ang Bagong Filipino. 2 Matapos basahin ang magazine, huwag itong itapon bagkus ay ibahagi ito sa iba pang kababayan natin. Kung nais ninyo namang ibahagi sa amin ang inyong magandang balita, hinaing, papuri o pasasalamat o kaya naman ay mag-advertise o makiisa sa aming mga layunin, mag-email lang sa angbagongfilipino@yahoo.com

MAGANDANG BALITA! Kaunlaran ng Pinas di dapat iasa lang sa migrante Ang migrasyon ay hindi dapat gamiting estratehiya para paunlarin ang bansa. Ito ang isa sa mga importanteng puntong nabanggit sa katatapos na Migrants Associations and Philippine Institutions for Development Capacity Building na ginanap sa Barcelona. Ang apat na araw na pagtitipon na inorganisa ng Scalabrini Migration Center (SMC) at ng Universidad de Valencia ay naging produktibo sa pagbibigay ng sapat na impormasyon at training para sa mga asosasyon ng mga migranteng Pilipino. Ipinaalam sa mga asosasyon ang mga pagsasaliksik na ginawa patungkol sa migrasyong Pilipino. Binigyang diin ng Bayanihan ipinakita sa España Ipinakita ng mga indibidwal at asosasyon ng mga Pilipino sa España ang bayanihan sa pamamagitan ng pag-aambag at pag likom ng pagkain, lumang damit, pera at iba pang gamit na ipinadala bilang donasyon sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy sa Pilipinas. Ayon sa Presidente at National Coordinator ng Ancop-Gawad Kalinga Ato Glinoga, nakalikom ang Ancop-GK ng humigit kumulang P250 000. Ito ay nagmula sa mga miyembro nito, iba t ibang indibid- Padala ng mga nasa lowskilled work pinakamataas For the government, OFWs are mere income generators. (Photo by Janess Ann J. Ellao / bulatlat. com) pagsasaliksik ni Fr. Fabio Baggio, direktor ng SMC ang napakalaking kontribusyon ng mga Pilipino sa mga bansang pinupuntahan nila. Nagkaroon din ng mga aktibidad upang mas mapalalim pa ang kaalaman ng mga dumalo tungkol sa iba t ibang aspeto ng pagbubuo at pagpapatakbo ng isang asosasyon, financial literacy, mga mauunlad na proyekto ng mga migranteng Pilipino sa Pilipinas at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ugnayan ng iba t ibang asosasyon sa loob at labas ng bansa at ng pamahalaan. Dumalo sa pagtitipon ang iba t ibang grupo katulad ng Centro Filipino, URAB, BIBAK, Emprendedores Pinoy, Asociación Amistad de las Mujeres Filipinas, Unified Bicolanos in Barcelona, SMPB, Ancop GK, Couples for Christ, Migrant Filipino Youth Association, Asociación Filipino-Cataluña, Timpuyog ti ilocano, Asociación Vismin, ilang miyembrong asosasyon ng Kapulungan ng mga Lider Pinoy sa Barcelona at Ang Bagong Filipino. wal at sa mga partners nitong mga asosasyon katulad ng Centro Filipino at ng iba t ibang parokya ng mga Pilipino sa España. Nakiisa rin sa bayanihan ang Embahada sa Madrid, ang iba t ibang Consulado, pati na rin ang iba t ibang padalahan, paaralan at negosyo katulad ng Metrobank, BPI, LBC, ESADE Business School (sa pamamagitan ni Patricia Victoria Ilagan), at Tahanan S.L. kung saan maaaring magpadala ng donasyon. Nananatiling ang mga OFW na napapabilang sa grupo ng mga laborers at lowskilled workers ang may pinakamataas na padala sa Pilipinas. Kasama sa grupo na ito ang mga nagtatrabaho sa bahay na ang karamihan ay kababaihan. Ayon sa survey na isinagawa ng National Statistics Office, sa taong 2007 at 2008 nanguna ang grupo na ito sa pag papadala ng pera sa Pilipinas. Noong 2007 sila ay nagpadala ng 17.574 bilyong piso habang noong 2008 umabot ito sa P19.491 bilyon. Tumaas din ang padala ng mga propesyonal katulad ng mga narses na umabot sa P13.237 bilyon ngunit pumanglima lamang ito sa nasabing talaan. Hinango mula sa ulat ni Jeremaiah M. Opiniano, OFW Journalism Consortium NEWS BRIEFS Kinatay wagi naman sa Sitges Nakatanggap ng dalawang parangal ang pelikulang Kinatay sa katatapos na Sitges Film Festival. Ito ay ang parangal bilang pinakamahusay na direktor para kay Brillante Mendoza at pinakamahusay na soundtrack para kay Teresa Barrozo. Matatandaang napanalunan din ni Mendoza ang nasabing parangal sa Cannes. Cebu isa sa pinakamaganda sa Asya Pumang-apat ang Cebu sa mga pinakamagandang destinasyon sa Asya ayon sa Travel + Leisure Magazine. Nanguna ang Bali, sumunod ang Maldives at pumangatlo ang Phuket. Sapatos ni Imelda ligtas sa baha Ilang 200 pares na sapatos ni Imelda na nakadisplay sa Marikina Shoe Museum ang mabilis na nailipat ng guardya nito bago pa man ito mabaha. Ang Marikina na itinuturing na Shoe Capital of the Philippines ay isa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyong Ondoy. Migrante party-list mauunsyami? Tinanggal ng Comelec sa listahan ng accredited party-list ang Migrante International matapos itong hindi manalo at lumahok sa dalawang lumipas na halalang pambansa. Nagprotesta ang Migrante sa naging desisyon ng Comelec at itinuring itong iregular ni Garry Martinez, pangulo ng Migrante, dahil ayon sa kaniya maaari lamang tanggalin sa listahan ang isang grupo matapos ang isang karampatang proseso. Source: goodnewspilipinas.com, Philstar.com/AP, inquirer.net 3

4 BUHAY MIGRANTE Pakikipagsapalaran sa loob ng Iskwelahan Ni Mia Rivera Fresnido Malimit nating marinig at mabasa ang kuwento ng mga Pilipinong nakikipagsapalaran sa ibang bansa ngunit bihira nating mapagtuunan ng pansin ang kuwento ng buhay ng mga kabataang napipilitang umalis sa Pilipinas dahil sa trabaho ng magulang nila. Ilang kabataang Pilipino ang nagbahagi sa atin ng kanilang mga karanasan at suliranin bilang estudyante rito sa España at ang kanilang pananaw sa hinaharap. ESPAÑOL Ang pinakamalaking problema na hinarap ng mga estudyanteng bagong dating galing sa Pilipinas ay ang salitang Español. Ayon kina Vanessa, 15 taon at kasalukuyang nasa 3º grado ng high school, at sa kapatid niyang si Walter, 17, kasalukuyang nasa Grado Medio de Gestion Administrativo, wala silang maintindihan noong dumating sila rito anim na taon na ang nakalilipas. Kinailangan nila ng halos isang taon bago sila naging komportable sa pagsasalita ng Español. Bagay na sinang-ayunan ni Mark at Aries, parehong 17. Ngunit hindi sila sangayon na ihiwalay sila sa mga kaklase nilang marunong mag-español at ilagay sila sa isang klase na binubuo ng mga estudyanteng hindi pa marunong mag-español. Mas mabuti nang nahirapan sa simula, natuto rin (kami) sa huli, ang sabi ni Vanessa at Walter. Sa palagay naman ni Aries, na apat na taon nang nakatira rito, ay mas madali siyang natutong mag-español dahil may mga kaklase siyang Español. CHINO, CHINO! Nakaranas din sila ng kalungkutan dahil wala silang kakilala at kaibigan. At nadiskubre rin nila na di lamang sila makikisama sa mga Español kundi pati na rin sa ibang lahi katulad ng mga Latinos, Marroquis, Rumanos at Chinos. Kung minsan hindi naging madali ang pakikisama dahil sa bullying. Ang bullying ay karaniwang suliranin ng kahit sinong mag-aaral ngunit dahil sa rasismo nagiging biktima na rin ng mga bullies ang mga dayuhang estudyante. Kadalasang nakakaaway ng mga Pilipino ang mga kamag-aral Wala kaming (mag-asawa) problema sa kanila. Masipag mag-aral, magaling makitungo sa mga kaibigan. Hindi sila mga delincuente at miyembro sila ng PYL (Pinoy Youth League), ang sabi ni Terry tungkol sa mga anak niyang si Vanessa at Walter. nilang Español. Ang malimit na manipestasyon nito ay ang abuso verbal na siya namang nauuwi sa karahasan. Ang pagtawag ng Chino kay Walter ang nagtulak sa kanya na suntukin ang isang kaklaseng espanyol. Si Mark ay dalawang beses napaaway dahil dito. Sinuntok niya rin ang isa niyang kaklase dahil pinagtawanan siya nito at ng mga kaibigan nito. Mabuti na lang at naawat sila ng isa sa mga guro niya. Ngunit noong nasa first year siya ay na-suspend siya nang tatlong araw dahil tinutukan niya ng cutter ang isa niyang kaklaseng nang-insulto sa kanya. Umiiwas sa away si Aries ngunit matapos niyang makitang susuntukin ng isang estudyanteng Espanyol ang kaniyang kapatid na si Aira, 15, hindi na niya napigilang itulak ito. Kinailangan niya ring awatin ang nakatatanda niyang kapatid noong mapasama rin ito sa isang away laban sa isang Español. MATALINO NAMAN Si Aries, na gustong maging electricista, ang tanging nagkaroon ng problema ng absentismo o ang madalas na pagliban sa eskwela, bagay na isinisisi niya sa malamig na panahon. Maraming beses na nakatanggap ng tawag ang nanay niyang si Naty mula sa kaniyang guro dahil sa kaniyang pagliban. Matalino sana siya kaya lang tamad, ang sabi ni Naty na may bahid ng paghihinayang. Nasa second place yan sa klase nila ng aula enlace. Ang aula enlace ay klase ng Español para sa mga dayuhang estudyante upang maiangat ang kaalaman nila sa wikang Español. Si Leane, 14 at kasalukuyang nasa 3º grado ng high school ay ipinanganak at lumaki na rito sa Espanya kaya totally integrated mula noong bata pa siya. Nangunguna siya ngayon sa

BUHAY MIGRANTE klase at isinali pa siya ng kaniyang iskwela sa Spelling Bee na isinagawa ng Comunidad de Madrid. Hindi rin siya nakaligtas na tawaging China noong magsimula siyang mag-aral pero ngayon ay wala na siyang natatanggap na tukso na may bahid ng rasismo. PAGGABAY AT PANGARAP Sa kabila ng mga problemang naranasan at nararanasan nila Walter, Vanessa, Mark at Aries ay tinitingnan pa rin nilang positibo ang kanilang karanasan bilang estudyante. Marami na silang itinuturing na kaibigan na galing sa iba t-ibang kultura, Español, Marroqui, Rumano, Chino o iba pa mang lahi. Lahat sila ay may balak na magpatuloy ng kanilang pag-aaral, kung hindi man sa unibersidad ay sa pamamagitan ng pagkuha ng mga kurso na magbibigay sa kanila ng special skills na puwede nilang maging puhunan para sa kinabukasan. Naniniwala silang makakatagpo sila ng trabaho na may kinalaman sa kanilang pinag-aralan. Tinitingnan nila na ang pag-aaral ay magbibigay sa kanila ng oportunidad na magkaroon ng magandang trabaho kapag nakatapos na sila. Maliban dito ay may isa pang motibasyon para makapagtapos ng pag-aaral si Walter- ang maging maganda ang imahen niya hindi lamang sa ibang Pilipino kundi pati na rin sa mga Español. Hindi pinapalagpas ni Mark ang mga pang-iinsulto. Kahit napapaaway kung minsan ay sa bandang huli ay nagkakabati rin sila. Gusto kong makatapos sila para maging maganda ang trabaho nila, hiling ni Nanay Naty para sa kaniyang anak na si Aries. Makikitang malaki ang papel na ginagampanan at gagampanan ng mga magulang sa pagpupursigi ng pag-aaral at sa positibong desisyon ng mga kabataang ito. Silang lahat ay nangangarap na makapagtapos ang kanilang mga anak at nang sa ganoon ay makahanap ng magandang trabaho. Hindi rin sila nagkulang sa pag-agapay lalo na kapag nakikita nilang nahihirapan ang kanilang anak. Ang nanay ni Mark na si Lita ay hindi nag-atubaling maghanap ng tutor para matulungan ang anak sa mga subjects na nahihirapan ito. Nang hindi makahanap ay siya mismong nagkusang alalayan at turuan ang anak. Pumupunta rin siya sa eskwela ng anak sa mga panahon na nakatakdang kausapin sila ng mga guro. Masinsinang kinakausap naman ni Naty si Aries kapag nalalamang hindi ito pumapasok sa klase. Minsan ay naiiyak ako pag kinakausap ko siya. Palagi rin niyang sinasabi sa anak na importanteng makatapos ng pag-aaral para makahanap ng magandang trabaho. Bagay na ginagawa rin ni Alma kay Leane at sa nakatatandang kapatid nitong si Maite na ngayon ay nasa 2nd year na sa isang unibersidad sa Madrid. Hindi ko alam kung bakit may mga taong ayaw nang ituloy ang pag-aaral, ang sabi niya. Nagbabalak silang mag-asawa na mag-retire na sa Pilipinas ngunit bago nila gawin ito ay nais nila munang makitang maganda ang buhay ng mga anak nila rito. Gusto ko settled na sila bago kami umuwi, dagdag pa niya. Nakagagalak na ang mga kabataang ito ay hindi nagpatalo sa mga problemang hinarap nila noong bagong dating pa lamang sila rito. Pinili nilang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral para magkaroon ng magandang kinabukasan at sa kaso ni Walter, para maipakita sa lahat na may talino at kakayahan siya. Sila ay nagsusumikap na maging kapakipakinabang sa lipunang kinapapalooban nila ngayon. Sana ay magsilbi silang inspirasyon sa marami pang kabataang Pilipino rito sa Espanya. 5

6 KULTURA AT LIPUNAN Ni Nathaniel Sisma Villaluna Pinoy o Español? Hiningan namin silang dalawa ng kanilang saloobin Paano ba itinuturing ng ating mga kabataan dito sa España ang kanilang mga sarili? Karamihan sa kanila ay rito na pinanganak o lumaki. Ano nga ba ang mas matimbang, ang pagiging Pinoy na nananalaytay sa kanilang dugo o ang pagiging Español na kanilang kinagisnan at kinalakihan. Si Maite Macachor ay isinilang sa Madrid, lumaki sa Pilipinas hanggang siya ay limang taong gulang. Siya ay 21 taong gulang at nagaaral ng Pedagogía sa isang unibersidad sa Madrid. Tumutulong din siya sa Panaderia na pag-aari ng kanyang pamilya. Si Jeffrey Lacap ay isinilang sa Madrid ngunit lumaki sa Pilipinas. Una niyang naranasan ang kulturang Español noong bumalik siya rito matapos ang 13 taon upang tuluyan nang manirahan kasama ang kanyang pamilya. Siya ay 25 taong gulang at nagtatrabaho bilang Administrative Agent sa aeropuerto ng Barajas sa Madrid. tungkol sa pagiging Pinoy o pagiging Español. Ang Bagong Filipino: Ano ang unang sumagi sa isipan mo bago ka pumunta ng Pilipinas/España? Mayte: Na mainit sa Pilipinas. At maraming tao. Jeffrey: Boring dito sa España, pero dati yun. ABF: Noong dumating ka na sa Pilipinas/España ano ang unang sumagi sa isipan mo? M: Mainit at maraming tao! Pero masaya kasi kasama ko ang relatives ko. J: Akala ko mayaman na ko! ABF: Naging madali ba ang pag-adjust mo sa Pilipinas/España noong mga unang araw? M: Oo, madali lang. Marunong akong mag Cebuano at Taga log. J: Dito sa España, medyo natagalan ng konti. ABF: Sang-ayon ka ba na dapat marunong mag-tagalog ang mga batang Pinoy sa España? M: Oo, sang-ayon ako. J: Oo. ABF: Paano mo itinuturing ang iyong sarili, Pinoy o Español? M: Pareho. Español at Pinoy. Kumbaga, half-half. May ugali akong Pinoy meron din Español. J: Pinoy pa rin ako. Besides mukha naman talaga akong Pinoy kaysa Español. ABF: Kanino ka madaling makipagkaibigan, sa isang Pinoy o sa isang Español? M: Para sa akin, mga Español. Nagkakaintindihan kasi kami, sabihin nating, magkapareho ng ugali. J: Mas friendly pa rin ang mga Pinoy. ABF: Nakaramdam ka ba na ikaw ay naiiba, sa Pilipinas man o sa Espanya? M: Hindi. J: Depende sa lugar at sa taong kasama ko. ABF: Gaano mo kaalam ang kasaysayan ng Pilipinas? Ng Espa ña? M: Sa Pilipinas, aaminin kong konti lang pero tungkol sa Espa ña, pinag-aralan namin simula elementary. J: Yung sa Pilipinas, hindi gaano. Dito na kasi ako nag high school. Sa España naman, mas marami akong alam. ABF: Kung papipiliin ka, sabihin nating isisilang ka muli, ano ang gusto mong maging, Pilipino o Español? M: Pareho. Parang ganito rin lang. J: Honestly, Spanish. ABF: Masaya ka ba rito sa España? M: Oo. J: Oo

KULTURA AT LIPUNAN Criaturas Fantásticas de Filipinas Isinulat ni Neil Dela Cruz at iginuhit ni Nathaniel Sisma Villaluna Las criaturas fantásticas normalmente están presentes en las leyendas y cuentos del pueblo filipino. Dichas leyendas pretenden explicar los sucesos misteriosos, el origen de enfermedades o bien dar miedo a los niños desobedientes. Aswang sila ay tao sa araw ngunit nagbabagong anyo sa gabi. Maaari silang maging itim na aso, baboy o paniki. Mahilig sila sa atay ng tao at ang mga buntis ang kanilang malimit na biktima. Aswang - es humano el día y por la noche cambia de forma. Se puede convertir en un perro negro, un cerdo o un murciélago. Le gusta el hígado humano. A menudo sus víctimas son las mujeres embarazadas. Kapre - isang maitim na higante na naninigarilyo ng tabako. Naninirahan sa malalaking puno na kalimitan ay balete, lumang acacia o mangga. Kalimitang nananakot sa mga batang naglalaro sa labas ng bahay sa gabi. Kapre - es un hombre oscuro y gigante que normalmente fuma tabaco. Vive en árboles grandes tales como el balete, la acacia o el árbol del mango. Normalmente aterroriza a los niños que juegan fuera de su casa por la noche. Manananggal - isang uri ng aswang na nakakalipad. Upang makalipad ay nahahati ang katawan nito sa bandang baywang at nagkakaroon ito ng malaking pakpak na katulad sa paniki. Kumakain ito ng mga sanggol na nasa sinapupunan. Sa butas ng bubong ay ibinabagsak nito ang mahaba at mala-sinulid na dila hanggang sa maabot nito ang sinapupunan ng nagbubuntis. Manananggal es un tipo de Aswang que puede volar. Para poder volar, se separa la parte superior del cuerpo desde la cadera y surgen alas como las de un murciélago. Se come a los bebés que están aún el vientre de su madre. Por el agujero del techo de una casa, pasa su lengua larga parecida a un hilo y desciende hasta el vientre de la madre. Tikbalang - Ito ay may ulo at paa ng kabayo ngunit ang katawan nito ay sa tao. Naglalakbay ito sa gabi at nanggagahasa ng mga babae. Ang mga tikbalang ay mapaglaro sa tao, nagagawa nilang paniwalain ang mga tao sa mga bagay na hindi totoo na kung minsan ay umaabot sa kasiraan ng ulo. Tikbalang- tiene la cabeza y piernas de un caballo y su cuerpo es de humano. Sale por la noche y viola a las mujeres. Los tikbalang son juguetones, saben engañar a los humanos. Pueden hacer creer a los humanos cosas increíbles que a veces les hacen volver locos. Tiyanak o impakto - sanggol na namatay bago mabinyagan o maaari ring maging anak ng isang babae at ng isang demonyo. Ito ay karaniwang nakatira sa gubat. Kapag nakakita ito ng tao ay nagiging normal na sanggol ito ngunit kapag ito ay nilapitan ay bumabalik ito sa tunay nitong anyo. Tiyanak o Impakto - son bebés que murieron antes de recibir el ritual del bautismo o también pueden ser hijos de una mujer y un demonio. Normalmente viven en bosques. Cuando ve a un humano, se convierte en un bebé normal pero cuando el humano confiado se acerca toma su apariencia verdadera. Nuno sa punso (duwende) - nakatira sa loob ng isang tumpok ng lupa. Maaari silang magbigay sa tao ng magandang kapalaran o kasawian. Kapag ikaw ay dadaan sa tirahan nila, humingi ka ng pahintulot upang hindi sila magalit sa pamamagitan ng pagbanggit ng Tabi-Tabi po. Duendes - viven en un bulto de tierra y pueden darle a una persona buena fortuna o desgracia. Cuando vas a pasar por su casa, debes pedirle permiso diciendo Tabi-tabi po para que no se enoje. (wikipedia.com) 7

Muchísimas Gracias también a Vdes. por su apoyo! 8 SALAWIKAING NAPAPANAHON / 8 SALAWIKAIN (REFRANES) OPORTUNOS Ang mga salawikain ay ang mga katutubong kasabihan na nagsisilbing gabay sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Sinasalamin at ipinapahiwatig nito ang diwa, kalinangan, karanasan at karunungan na nagpasalin-salin mula sa ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyang henerasyon. Maihahalintulad ito sa mga refranes na mayroon din naman sa wikang Espanyol. Salamat Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga salawikain na akmang-akma sa mga panahon ngayon. Los salawikain son proverbios antiguos que sirven como guía para la vida cotidiana de los filipinos. Reflejan y expresan la psique, la cultura, la experiencia y la sabiduría que se transmiten desde los antepasados hasta la presente generación. Se parecen a los refranes que también existen en la lengua española y que tienen el mismo uso. Los siguientes refranes son los más apropiados hoy en día. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. La misericordia es de Dios pero el esfuerzo es del hombre. Mr. Enrique Pérez-Campoamor Ang maniwala sa sabi-sabi y walang bait sa sarili. Quién escucha las Miraved habladurías no da of mucho valor a sí mismo. www.comunidadtulay.com Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula. La buena educación de un crío es responsabilidad de los mayores. Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga. Agotan las bendiciones ahora y luego quedan sin nada. Kung walang tiyaga, walang nilaga Quien no tiene paciencia, no tendrá sopa. OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) Madrid courtesy of Ms. Connie Marquez Bago ka bumati ng sa ibang uling, uling mo muna ang iyong pahirin. Antes de criticar la mancha en la cara de tu prójimo, limpia primero la mancha que tienes en la tuya. Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat. La honestidad hace una relación duradera. Kung ano ang ayaw mo, ay huwag mong gawin sa kapwa mo. Si no lo quieres, no lo hagas a tu prójimo Maraming din po sa inyong tulong! Ms. Millet Chipongian Irasusta Mr. Ato Glinoga, President and National Coordinator of Ancop GK Spain Dibuho hinango sa philippinesaliwikain.com www.gkspain.org