Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores

Documentos relacionados
SA TUNAY NA PINAGMULAN

Ang ating tunay na tahanan ay. Dahil sa maling paggamit ng

Yunit 1 Introduction to Art and Drawing

Aviso Importante de Culinary Health Fund Sobre su Cobertura para Recetas Médicas y Medicare

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra Señora de La O )

All G DYDNG. ni L. Jeter Wal ker INTERNATIONAL CORRESPONDENCE INSTITUTE P.O. BOX 1084, MANILA

PAHAYAGANG PILIPINO PARA SA BAGONG PILIPINO. Nº 3. OKTUBRE Isang ngiti sa hinaharap. Pakikipagsapalaran sa loob ng Iskwelahan

Co-Pay Benefits. Take a look inside to find out how you can get the most out of your benefits!

Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Anu-ano ang mga Matututuhan mo sa Modyul na Ito?

ËU ²M WK. Filipino Magazine, Issue No. 21, April ÊËdAF «Ë ÍœU(«œbF «WOMO³KH «WGK UÐ ÈdA³ «WK o K. Ang Sakripisyo

ANG PAGLILITIS AT KAMATAYAN NI KKK SUPREMO ANDRES BONIFACIO LUIS CAMARA DERY. Departamento ng Kasaysayan. Kolehiyo ng Malalayang Sining

Grade 7 Filipino Ikaapat na Markahan. Linggo 27 - Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Halina t. mag-catalan! Una presentació de la llengua catalana a la comunitat cristiana i de parla filipina de Catalunya

Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan *

فلبيني )م.م( Mga Alituntunin At Mga Kahalagahan Ng. Pag-aayuno أحكام وفضائل الص يام. Hot Line (+965)

Planong Cal MediConnect GABAY NA AKLAT NG MIYEMBRO PARA SA IYONG MGA BENEPISYO SA NGIPIN

TITLE ARTIST 8141 AALIS KA BA

BINAGONG GABAY SA ORTOGRAPIYA NG WIKANG FILIPINO

BINAGONG GABAY SA ORTOGRAPIYA NG WIKANG FILIPINO. Komisyon sa Wikang Filipino, Edisyong 2013

CASA ASIA Y FILIPINAS CASA ASIA AT PILIPINAS

MIDI MP3 TITLE ARTIST MIDI MP3 TITLE ARTIST

PHILIPPINES Mark and

Sus Beneficios Dentales de la Culinaria y los Dentistas. Ang Lyong Mga Benepisyo at Dentista sa Dental ng Culinary

Panitikang Asyano. (Gabay ng Guro) DRAFT

Seafarers Bulletin. Para sa karapatang pantao sa karagatan. Laban sa mga bandilang takip-butas (FoC) at lubog istandard na pagbabarko

Violència contra les dones: què és i que hi puc fer?

Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila 1 SA AKING MGA KABATA. José Rizal

NOTICE OF THE REGULAR MEETING OF THE SAN FRANCISCO RESIDENTIAL RENT STABILIZATION & ARBITRATION BOARD,

92137 ADIOS PARA SIEMPRE C.LOPEZ RAMIREZ AMERICA,AMERICA

Jornades de portes obertes per al curs escolar

Violència contra les dones: què és i que hi puc fer?

Voicebox Songbook by Artist - Tagalog

DEPARTMENT BULLETIN A /04/17. Consent Searches of Private Residences (Re-issue DB )

NOTICE OF THE REGULAR MEETING OF THE SAN FRANCISCO RESIDENTIAL RENT STABILIZATION & ARBITRATION BOARD

TAGAL VOCABULARI MÈDIC VERSIÓ PENDENT DE VALIDACIÓ C. VAN EEGHEM J. ROSACEÑA

Preguntas importantes

DIOCESE OF SACRAMENTO

IMPORTANTE: USTED SE HA INSCRITO EN UN PLAN NUEVO PARA SUS SERVICIOS DE MEDICARE Y MEDI-CAL.

Flooding in San Francisco Prepare. Stay Safe. Recover

Voicebox Songbook by Title - Tagalog

Preguntas importantes. Por qué es importante?

Preguntas importantes. Por qué es importante?

Preguntas importantes. Por qué es importante?

Éste es solo un resumen. Si desea más información sobre la cobertura y los precios, puede obtener los documentos del plan o. Preguntas importantes

Wells Fargo Outgoing Consumer International Wire Transfer Notice of Error Resolution and Cancellation Rights

PRESENTAR UN FORMULARIO DE RECLAMACIÓN EXCLUIRSE DEL OBJETAR NO HACER NADA

PERRO BERDE PERRO BERDE

Literatura. GURREA, Adelina Cuentos de Juana Manila: Instituto Cervantes, 2009 ISBN

Literatura. GIRIN, Michel La prisionera del mago Zaragoza, Edelvives, 2009 ISBN (euskaraz: Magoaren gatibua)

Sus Beneficios Dentales de la Culinaria y los Dentistas. Ang Iyong mga Benepisyo sa Ngipin at Dentista sa Culinary

Resumen de beneficios de Transamerica MedicareRx Classic (PDP)

Page 2


Why should you worry about West Nile virus?

PERRO BERDE NÚMERO CINCO Diciembre 2014

Resumen de beneficios

Tasa de interés preferencial de los EE.UU % a 21.74% con base en su solvencia.

CALENDARIO DE ANIMACIÓN TURÍSTICA

Servicio de Guardia de 9.00h a 9.00h del día siguiente

DEL MES DE ENERO AL MES DE SEPTIEMBRE. 1 1 DE 09/10/ :39.18 R rpt PAGINA : FECHA : HORA : REPORTE : 2,015 EJERCICIO:

ISO 9001 ISO BUREAU VERITAS Certification. BUREAU VERITAS Certification

Blue Cross MedicareRx (PDP) SM

Tasa de interés preferencial de los EE.UU % a 21.74% con base en su solvencia.

ANEXO DE TASAS Y CARGOS DEL CONTRATO DE TARJETA DE CRÉDITO A partir del 30 de septiembre de 2015

po ta da la te to pa vo ga no de o ca lo ma ca ce me ti to ve po te lo la o so ba te ja to ro po ba ca na ra te os pe sa me al za ca ce ba li

ANEXO DE TASAS Y CARGOS DEL CONTRATO DE TARJETA DE CRÉDITO VISA A partir del 30 de septiembre de 2015

Serving our community. Saint Ann Church 2302 Riverdale Ave Los Angeles, CA Office:

Aviso anual de cambios para 2015

Su Libro de Co-pagos dentro de la Red de la Culinaria Ang Iyo ng Libro ng Co-Payment Loob ng Samahan ng Culinary

Preguntas importantes

Resumen de beneficios

Su cobertura de salud y medicamentos conforme a Health Net Cal MediConnect

Fiesta nacional: 12 de junio, Día de la independencia de España y Estados Unidos, 1898.

Ester Rebollo Copia y relaciona: HELADO ... HACHE HADA HOLA HIELO HILO

2016 Resumen de BENEFICIOS. AARP MedicareRx Preferred (PDP) Y0066_SB_S5820_009_2016SP

CLAVE (Capítulos 8-9)

KÄVELYAPUVÄLINET. TukimetOy. Myynti: puh.(02) Valajantie5,26820RAUMA

D i o s es nuestro Padre Estudio adicional Jesucristo es nuestro Salvador Estudio adicional

Fr. OM Fr. JJ. Fr. ET Fr. ET Fr. ET Fr. OM Fr. OM PM PM. Fr. MS Fr. OM 8:00. 5:00 PM Pelly Obedoza (Thanksgiving) Fr. JJ 12:00. Pss IV (195) AM AM

570,000 USD. Santa Cruz de la Sierra, Santa Cruz MLS ID: Total Rooms: Floors: Bedrooms: Bathrooms: Total SqM: Taong Itinayo:

FORD KA KA_202054_V4_2013_Cover.indd /12/ :41:54

FORD KA KA_202054_V4_2013_Cover.indd /06/ :05

ANEXO DE TASAS Y CARGOS DEL CONTRATO DE TARJETA DE CRÉDITO A partir del 31 de diciembre de 2013

Sa abá, ay! Chito! ó chiton!. Nakasakay sa sasakyán. A Dios; despedida. Sa kanya ngâ, sa kanya man, sa kanya rin (lalake). Dito sa, hanggang dito.

1 KYRIE (SEÑOR TEN PIEDAD)

UN DESAFIO PARA SERVIR

Historia de la Biblia 277 DONES ESPIRITUALES 1 CORINTIOS 12:1-31; 14:1-40

Liderazgo colaborativo aprendizaje, estímulo, rendición de cuentas

Comidas gratis durante las festividades en el Condado de Santa Clara

CAPÍTULO 1 CAPÍTULO 1. SOBRE EL GRADO DE CERCANÍA A LAS LENGUAS DE ASIA ORIENTAL: EL CASO DEL TAGALO Ángel López García Universidad de Valencia

MURCIA (Región de) - Constituídas - TOTAL

Oscar S. Mendoza Distrito Misionero Lurín Asociación Peruana Central

Chorus: Tú vivo estás en mí No hay nadie en tu lu - gar Te necesi - to Dios Eres mi li - ber - tad. Intro:

Diccionario Ingles-Español-Tagalog, Part III. Sofronio G. Calderón

Intro: Estrofa 1: Roto estaba mi corazón Pero tu mano me rescató Del polvo yo volví a nacer La salvación en ti encontré

EXAMEN DE PRÁCTICA #4. Capítulos 8 9. Para la clave, véase la última página de este examen. Clave

Fundación Joaquín Díaz

QUIÉN ES JESUS? Lección 1 EL NACIMIENTO DE JESÚS

Transcripción:

Reformed Witness Hour Message of the Protestant Reformed Churches in America translated by Pastor John Flores Awit 44:20 "Espiritual Na Pagkalimot (Alzheimer s)" ni Rev. Carl Haak Tandaan itong mga pangalan ng Dios: El ro i (Dios na nakakakita); El-shaddai (Dios na makapangyarihan sa lahat, o Dios na sapat sa lahat); El-gabore (makapangyarihang Dios); Jehovah-jireh (ang Panginoon ang magkakaloob); Jehovah-meqadosh (ang kabanal-banalang Panginoon); Jehovah-shammah (ang Panginoon ay naroon); Jehovah-shalom (ang Panginoon, ating kapayapaan). Tandaan. Huwag kalilimutan. Tandaan ang mga pangalang ito: Tom Brady (quarterback ng New England Patriots); Ozzie Osborne (kung hindi mo alam kung sino siya, hindi ko sasabihin sa iyo); Dixie Chicks (nabalitang grupo ng mang-aawit); Tom Cruz (bituin sa pelikula); Terri Hatcher (isa sa mga desperate housewives). Ano ang punto? Ang punto ay ito: Lahat ng mga anak ng Dios ay mayroon ng tinatawag na espiritual na sakit ng pagkalimot. Hindi natin matandaan ang dapat tandaan; at natatandaan natin ang hindi natin dapat tandaan, nagiging sanhi upang magpakumbaba tayo sa harap ng Dios, upang sambahin ang Dios sa Kanyang walang wakas na pagtitiis, pag-ibig, at katapatan, at tinatawag tayo upang magsisi at purihin ang Dios sa Kanyang katapatan sa pag-alaala sa atin. Magsasalita ako ngayon tungkol sa espiritual na pagkalimot. Madalas nating itanong, Bakit nagpapadala ang Panginoon ng mga karamdaman sa Kanyang mga anak, nakakatakot na karamdamdan? Nagtatanong tayo ng ganoong tanong lalo na kung ang tao ay matanda na at sasabihin natin, Hindi ba kumpleto na ang paglalakbay nila; hindi ba sila maaaring dalhin na sa Iyong presensya? Napakadalas sa mga huling araw ng ating buhay ang Panginoon ay nagpapadala sa atin ng ilan sa mabibigat na pasanin at mga paghihirap. Maaari natin itanong ang tungkol sa sakit na Alzheimer s o pagkalimot. Mayroon tayong kasagutan, naniniwala ako, kahit bahagi lang na sagot kung bakit nagpapadala ang Panginoon ng gayong karamdaman lalo na ng sakit na Alzheimer s. Naniniwala ako na doon ay sinasalamin ng Dios ang espiritual nating kalagayan, na sa lahat ng Kanyang mga anak, kahit silang matatalas ang isip, naroon ang kasalanan ng espiritual na pagkalimot. Hindi natin natatandaan ang mga pangalan, ang kaawaan, ang kabutihan ng ating Dios. Hindi natin natatandaan kung nasaan tayo bilang mga anak ng Dios, nagiging sanhi upang magpakumbaba tayo, upang magsisi, upang sambahin ang Dios dahil sa Kanyang walang wakas na pagtitiis sa atin, at upang purihin Siya sa Kanyang katapatan. Kapag tinukoy ko ngayon ang sakit na Alzheimer s, hindi ko ninanais na paliitin ang kabigatan ng sakit na ito, at tanging ang makapangyarihang biyaya ng Dios ang kayang magtiis nito para sa atin sa gayong paraan. Ito ay tunay na pinakamahirap at nakakatakot na karamdaman. Sinabi sa atin na ang Alzheimer s ay isang anyo ng kasiraan ng ulo (dementia). Ito ay pagkawala ng alaala at ng kakayahang pang-kaisipan. At sa mga nagdaang taon ito ay mas kinikilala na nang hayagan. Ito ay isang unti-unting lumalalang karamdaman ng utak at nagbubunga ng pagkawala ng alaala, mahinang pag-iisip, at pagbabago sa pagkatao, gayundin ng kabiguan at galit. Ito ay karamdaman na sumusunod sa isang proseso na maaaring magpatuloy hanggang dalawampung taon. Ito ay karamdaman na laging nakamamatay at karaniwang nagsisimula pagkatapos ng Page 1 of 5

edad na 65. Gayunpaman, sinabi sa atin, na sampung porsiyento ng may ganitong sakit ay nagsisimulang makaranas ng sintomas sa kanilang edad na apatnapu at limampu. Ang mga sintomas ay agad na nakikilala. Nariyan ang pansamantalang pagkawala ng alaala (ang pagkawala sa pangalan ng mga tao at pagkawala kung nasaan ka); ang pagkawala ng kakayahang makaalam (iyon ay, ang kakayahan ng utak na magdahilan, gumawa ng mga pasya, at gumawa ng hatol). May pagkawala ng malay sa oras o ng kakayahang gumawa, na kumain, na magsuot ng damit. Kadalasan, silang may ganoong karamdaman ay hindi na makikilala ang kanilang asawa, ang sarili nilang pamilya, ang kanilang mga anak, ang kanilang mga kaibigan. At magsisimulang bumalik sa pagkabata, kadalasan mula sa mga edad na 10-17, kung kaya t ang mga araw ng kanilang pagkabata o kabataan ay muling nabubuhay. Kasama ng mga sintomas kadalasan ay may pagkalumbay, paglayo, katigasan ng ulo, pagkabigo, kalituhan, pagkayamot. Isang sakit na nakakatakot. At sinabi sa atin na ang mga sintomas ay lalong nakikilala sa pagtatapos ng araw. Kamakailan ay nakatanggap ako ng sulat mula sa isang dalaga na nagtrabaho sa isang bahay alagaan sa mga may sakit na Alzheimer s. Tinanong ko siya tungkol dito sa nakakatakot na sakit, at gumugol siya ng ilang sandali upang magsulat ng ilang linya. Nais kong ibahagi sa inyo kung ano ang ipinadala niya sa akin. Isinulat niya: Sasabihin ko lang sa iyo ang kaunti tungkol sa buhay na walang alaala. Nagtrabaho ako sa pareho ring trabaho sa loob ng tatlong taon. Mababanggit ko ang tatlong naninirahan na maaaring naaalala ako bawat araw. Nakagugol ako marahil ng labing-anim na oras kasama nila isang araw at kinabukasan hindi na nila alam ang pangalan ko. Karamihan sa kanila ay makikilala ako bilang isa na pinagkakatiwalaan nila, ngunit ganoon lang iyon. Sa tingin ko isa sa mga pinakamabuting paraan na mailalagay ko ito ay: Subukan mong isipin na gumigising ka bawat umaga at hindi alam kung nasaan ka, nasaan ang iyong asawa, hindi kilala ang tao na sumusuri sa iyo bawat oras, at hindi man lang nakikilala kung sino ka. Isa sa pinakamalungkot na bagay na nakita ko para sa pamilya ay napakadalas hindi na nila natatandaan ang kanilang mga anak kahit na naroon pa ang mga anak. Akala nila sila ay mga bata pa. Isa pang malungkot na bagay na natatandaan ko ay ang pag-aalaga sa isang matandang babae na ang asawa ay namatay ilang oras lamang ang nakaraan. Nakaupo siya sa kanyang higaan nang ito ay mamatay, hindi nauunawaan na siya ay mamamatay na, at naiinis na sa kanya dahil ang pamilya ay naroon at hindi siya sumasagot. Namatay siya. Ngunit hindi niya matandaan. Sinabi sa kanya ng pamilya ngunit nalimutan niya sa loob ng sampung minuto. Para sa pamilya, ito ay alinman sa magsinungaling tungkol dito at sabihin na siya ay nasa ospital, o paulit-ulit na sabihin sa kanyang patay na ang asawa niya, paulit-ulit na wawasakin ang puso niya. Napakahirap iyon para sa pamilya niya at para sa kanya. Ang karaniwang pangyayari sa mga taong may Alzheimer s ay sila y bumabalik sa panahong bata pa sila. Ang isang babaeng inalagaan ko ay bumabangon bawat umaga upang pumasok sa paaralan. Sa katunayan, iyon lang ang tanging paraan na mapabangon namin siya sa higaan. Maraming araw, sa isip niya, naglalakad siya papuntang paaralan buong araw nang walang pagkain o tubig at nawala ang kanyang nakababatang kapatid sa daan. Ang karahasan ay isa pang karaniwang bagay. Sa palagay ko ay magiging marahas din ako kapag may lumapit sa akin na hindi ko nakikilala at sinusubukan akong pagpalitin ng damit o maglinis. Inaalis ng Alzheimer s ang kakayahang gumawa ng pinakasimpleng mga bagay, gaya ng: pagbubutones ng damit, paghuhubad ng damit, paggamit ng banyo. Pagkatapos ng ilang panahon nagsisimula na ring mangyari sa tao na hindi na niya matandaan kung paano umupo, tumayo, o lumakad. Isipin mo lang. Palagiang pagkalito. Iyong masamang pakiramdam sa iyong tiyan kapag hindi mo alam ang nangyayari at ganap kang nawawala. Page 2 of 5

Balik tayo sa punto ng ating programa ngayon, ang bayan ng Dios, lahat sila, ay mayroon ng matatawag nating espiritual na Alzheimer s. Sa karamdamang iyon mayroong wastong pagsalamin ng ating espiritual na buhay at ng walang wakas na pagtitiis ng Dios sa atin. Hindi ba totoo habang pinagninilayan mo ang sarili mong espiritual na buhay, hindi mo ba nakikita ito? Ngayon lamang, habang tumitingin tayo sa espiritual na Alzheimer s, magkakaroon, sa pagwawakas, ng mabuting balita, napakabuting balita! May lunas para dito. Ang mga sintomas ng espiritual na Alzheimer s ay nasa bayan ng Dios. Sila ay nasa iyo at nasa akin. Una sa lahat, matatandaan mo ba ang pangalan ng Dios? Matatandaan mo ba ang pangalan ng Dios kung paano mo maaalala ang ibang pangalan? Hindi ba limang minuto ang nakalipas nang ibigay ko sa iyo ang paliwanag sa kahulugan ng pangalan ng Dios na El-gabore? Natatandaan mo? El ro i. El-shaddai. Jehovah-jireh. Jehovah-meqadosh. Tom Cruz. Terri Hatcher. Natatandaan mo? Mayroon ka bang piling alaala? Kapag pinag-usapan natin ang espiritual na Alzheimer s pinag-uusapan natin ang tungkol sa isang sakit hindi ng isip kundi ng puso. Sapagkat lahat ng totoong kaalaman ay kaalaman ng puso. At kung ang espiritual na kaalamang iyon ay hindi nananatili sa puso, ito ay hindi tunay. Malilimutan natin ang pangalan ng Dios sa sandali ng pagsubok. Kapag hindi natin nauunawaan ang nangyayari sa atin, ay hindi natin natatandaan ang Kanyang pangalan! Jehovah-jireh (ang Dios ang magkakaloob). O, sa sandali ng tukso Biyernes ba ng gabi, kasama ang isang grupo ng mga kabataan? Siguro ay ayaw mong pumunta ngunit ikaw ay inanyayahan. Magkakaroon ng inuman, pagsasaya, at pumunta ka doon. Sabi mo hindi ka iinom, ngunit gayunman, oo, ginawa mo. At pagkatapos ang iba pang bagay ay nangyari. Ano ang pangalan Niya? Natatandaan mo ba ang pangalan ng Dios ang Dios na ipinapahayag mo: El-ro i (Dios na nakakakita ng lahat), Jehovah-shammah (ang Panginoon ay naroon)? Paano noong isang araw nang ikaw ay nasa trabaho (o nasa paaralan) at ikaw ay nagmura? Natandaan mo ba ang pangalan ng Dios? Ngunit mayroon din sa gitna natin ng pagkawala ng pansamantalang alaala, pansamantalang alaala ng ginawa ng Dios. Tila hindi natin kayang tandaan nang masyadong malayo, masyadong matagal, ang dakila, kamangha-manghang pagpapala ng Dios. Anong pagpapala, tanong mo? Nakita mo kung ano ang ibig kong sabihin? Kapatawaran ng mga kasalanan. Mayroon pa bang mas dakilang pagpapala kaysa doon? Lahat ng kasalanan natin ay pinatawad. Naitanong mo na ba, Ano ang ginawa Niya para sa akin kamakailan lang? Nasaan Siya? Paano mo, paano kong malilimutan? Pinatawad Niya lahat ng aking kasamaan ang walang wakas na utang at bigat ng kasalanan, mapagbiyayang pinatawad kay Jesu Cristo. At itinatanong natin: ano talaga ang ginawa ng Dios para sa atin? Lahat ng pisikal na pagpapala lahat nang ating taglay buhay at hininga at pagkain. Hindi ba madalas na totoo bilang mga anak ng Dios binubuksan natin ang ating mga Biblia, mabilis na ginagawa ang ating debosyon, at nakatayo agad sa loob ng limang minuto upang gamitin ang Kanyang kabutihan? At kapag nagamit na natin ang Kanyang kabutihan, nalilimutan natin na ang Dios ang nagbigay at hindi tayo nagbabalik sa Kanya ng pasasalamat. Gaano katagal mong natatandaan ang mga aralin na itinuro Niya sa iyo sa daan ng pagsubok? Gaano katagal mong natatandaan ang kadakilaan ng Kanyang biyaya sa iyo nang tawagin ka Niyang lumakad sa daan ng pagsubok? Mayroon tayong napakaikling alaala. Kinakailangan natin ng napaka mapagtiis at mapagmahal na Dios na kailangang magsabi sa atin nang paulit-ulit. Siya ay higit na mapagtiis sa atin kaysa tayo sa ibang tao. Subalit gayunman mayroon din ng sintomas sa ating espiritual na Alzheimer s na nalilimutan natin. Nalilimutan natin kung nasaan tayo, nalilimutan natin kung saan tayo papunta. Nalilimutan natin kung anong araw na sapagkat ang panahon ay maikli at ang araw ng Panginoon ay malapit na. Nalilimutan natin kung sino tayo: tayo ay mga dayuhang manlalakbay patungo sa walang hanggang kaluwalhatian. Nalilimutan Page 3 of 5

natin kung saan tayo papunta at kung nasaan ang tahanan natin: Nagsisimula nating isipin na ang sanlibutang ito ang ating tahanan. sa langit kasama ni Jesu Cristo. Nasaan ka ngayon? Natatandaan mo ba? Alam mo ba kung ano ang buhay ngayon? Alam mo ba, kabataan, na ikaw ay nasa larangan ng digmaan, espiritual na digmaan? Alam mo ba at natatandaan mo ba ang iyong Kaibigan, ang iyong Panginoong Jesu Cristo, na tanging makapagpapatayo sa iyo dito sa larangan ng digmaan sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya? Saan ka papunta? Alam mo ba kung nasaan ka? Napakadalas, bilang mga anak ng Dios, naliligaw tayo, hindi natin matandaan, hindi natin masabi kung nasaan tayo. Oo, ang sakit na Alzheimer s ay isang nakakatakot na bagay. Ngunit hindi mo ba nakikita na lahat ng mga anak ng Dios ay nagdurusa mula sa espiritual na Alzheimer s? Nalilimutan natin ang pangalan ng Dios. Ano ang ibig sabihin ng Jehovah-jireh? Dalawang beses ko nang sinabi ito ngayon: ang Panginoon ang magkakaloob. Ano ang El-ro i? Natatandaan mo ba? Ang Dios na nakakakita. Jehovah-meqadosh? Natatandaan mo ba ang isang iyon? Ang Kabanal-banalang Panginoong Dios. Tom Cruz? Natatandaan mo? Sinabi kong may mabuting mensahe tungkol dito. Ang mabuting salita ay ito: mayroong lunas. Ang lunas sa espiritual na Alzheimer s ay pagsisisi. Ang biyaya ng pagsisisi ay nagpapanumbalik sa alaala. Wala akong oras ngayon upang puntahan ang Kasulatan at ipakita iyon sa iyo, ngunit maaari mong pag-aralan sa sarili mo. Pag-aralan mo ang salitang tandaan sa Kasulatan at tuklasin kung gaano kadalas ang salitang tandaan ay kasama at kaugnay sa pagsisisi. Bibigyan kita ng isa lamang halimbawa: Ang alibughang anak. Ang pagsisisi ang pumukaw sa kanyang alaala sa bahay ng kanyang ama. Hiwalay sa pagsisisi wala siyang anumang natatandaan. Hindi niya masabi sa iyo ang pangalan ng kanyang ama. Hindi niya masyadong masabi sa iyo ang tungkol sa bahay ng kanyang ama habang siya ay nasa daan ng kasalanan. Ngunit nang dumating ang pagsisisi, naging matalas ang kanyang alaala. Dapat tayong magsisi. Iyan ang lunas sa ating espiritual na Alzheimer s. Ngunit may isa pang salita dito. Ang salitang iyon ay ito: Dapat nating alalahanin ang Panginoon sa mga araw ng ating kabataan. Sa pisikal na Alzheimer s, ang isa ay pangkaraniwan nang pumupunta sa mga araw ng kanyang kabataan. Ngayon, sundan mo ako nang maingat, kabataan. Nagtitiwala ako na nakikinig ka. Napakadalas tayong sinasabihan nang tayo ay bata pa, Alalahanin mo ang Panginoon, dahil maaari kang mamatay. Marahil ang Panginoon sa taong ito, sa iyong buhay-paaralan, ay hinipo ang iyong buhay sa pamamagitan ng pagkuha sa iyong kamag-aral at dinadala ka sa katotohanan, ang nakapagpapatinong katotohanan, ng katiyakan ng kamatayan na maaari tayong mamatay anumang sandali at, sa pamamagitan ng pananampalataya, na ibinigay sa iyo upang magtiwala sa isang tapat na Dios na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Ngunit ang aking punto ay, bilang isang kabataan, hindi mo dapat tandaan ang pangalan ng Dios dahil lamang sa maaari kang mamatay ngayon. Dapat kang mag-ingat sa iyong espiritual na buhay ngayon dahil ang espiritual na buhay na isinasapamuhay mo ngayon (12, 13, 16 taong gulang) ay maaaring ang espiritual na buhay na isasapamuhay mo kapag ikaw ay 80 na. Maaari kang mabuhay hanggang ikaw ay 80 na. Maaari kang mabuhay hanggang ikaw ay 75 o 85 na. Maaaring magpadala sa iyo ang Panginoon ng dementia. Babalik ka sa mga araw ng iyong kabataan. Paano ka namumuhay ngayon? Ang mga bagay na iyon na pumupuno sa iyong buhay ngayon, hindi lamang dahil maaari kang mamatay bukas, kundi yaong mga bagay na pumupuno sa iyong buhay ngayon ay maaaring tunay na katangian ng iyong buhay kapag ikaw ay 80 na. Paano mo gustong mamatay? Sa anong espiritual na antas ka mamamatay? Nasaan ang iyong puso ngayong araw na ito? Sa Panginoong Jesu Cristo ito ay may halaga. Ito ay laging may halaga. Ang mga bagay ng sanlibutan pakikiapid, paglalasing, panunumpa, pagmumura. Nasaan ang antas ng iyong espiritual na buhay ngayon? Sapagkat ang antas nito ay maaaring maging antas ng iyong huling oras. Page 4 of 5

Pagkatapos ang ikatlong bagay na nais nating tandaan, bilang pagtatapos, ay ito: ang kahanga-hangang katotohanan na naaalala ako ni Jehovah. Hindi ba iyan ay maluwalhating bagay? May mas dakila pa ba kaysa dito sa buong Kasulatan? Sinasabi ni Isaias sa kapitulo 49 na inukit tayo ng Dios sa mga palad ng Kanyang mga kamay, upang hindi Niya makalimutan. Oo, may mga bagay na hindi magagawa ng Dios. Hindi Niya masasalungat ang Kanyang sarili. Siya ay tapat na Dios. Lagi Niyang matatandaan. Hindi Niya malilimutan ang Kanyang mga anak, sapagkat sila ay nakapaso sa Kanyang puso sa pamamagitan ng dugo ni Jesus Cristong Kanyang Anak. Natatandaan Niya ang bawat pangalan. Natatandaan Niya ang bawat sandali. Hindi Niya inaalis ang Kanyang mata sa Kanyang mga anak. Lagi Niyang nalalaman. Aalalahanin ako ni Jehovah. Oh, anong biyaya, anong kapayapaan. Anong kahihiyan mayroon ako na dapat kong ipahayag na napakadalas kong hindi Siya naaalala. Ngunit lagi Niya akong naaalala! Natatandaan ni Jehovah. Ikaw na nagdurusa sa ilalim ng Alzheimer s, ang pisikal na sakit, at mga kaanib ng pamilya, tandaan: Naaalala ng Dios ang iyong mahal sa buhay. At, tandaan ito: na si Jehovah ay hindi nananangan sa kamalayan ng utak, iyon ay, ang utak na gumagana upang makipag-ugnayan sa Kanyang anak. Lumalapit Siya sa kaluluwa. Gaano man kalito ang isip, lumalapit Siya sa kaluluwa sa pamamagitan ng Salita ng Dios. Kaya basahin ang Salita ng Dios sa iyong mahal sa buhay. Tiyaking pumunta at dalawin sila. Tiyaking gagawin mo iyan. Tiyaking ikaw ay mananalangin. Tiyaking magbabasa ka ng Salita ng Dios, sapagkat sinasabi ko sa iyo, sinasabi ko sa iyo sa kapamahalaan ng Dios mismo, na ang Dios ay nakikipag-ugnayan sa espiritu ng Kanyang mga anak. Kung ang kanilang isip ay hindi na gumagana, ito ay hindi makakahadlang sa Dios. Kaya ng Dios na makipag-ugnayan sa kanila na hindi kayang makipag-ugnayan sa iyo, sa pamamagitan ng Kanyang Salita at ng Kanyang Espiritu. Kaya, tandaan ang pangalan ng iyong Dios ngayon. Manghawakang matibay sa Kanya sa pananampalataya at pananangan sa Kanya kay Jesu Cristo. At magalak na lahat ng mga pagsubok nitong kasalukuyang panahon ay nagsisilbi, sila ay gumagawa, ng ating kaligtasan, hanggang sa huling araw na iyon kapag tayo ay tatayo sa harapan Niya at ang ating alaala ay magiging ganap. Malalaman natin ang lahat. At matatandaan natin ang pangalan ng ating Panginoon. Manalangin tayo. Ama, pinasasalamatan Ka po namin sa Iyong Salita. At dalangin namin na pagpapalain Mo ito ngayon sa aming mga puso. Inaamin namin, ipinahahayag namin, na ang aming alaala ngayon, dahil sa aming mga kasalanan, ay napaka mapamili na tila ang kasalanan ay kayang iukit ang kanyang sarili sa aming isipan, at ang mga espiritual na bagay ay madaling lumilipad. Pagkalooban Mo kami na manghawakan sa mga espiritual na katotohanan at itakuwil lahat nang masama, upang kami ay makalakad sa Iyong liwanag. Sa pangalan ni Jesus aming dalangin, Amen. Page 5 of 5