PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra Señora de La O )

Documentos relacionados
Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan *

MIDI MP3 TITLE ARTIST MIDI MP3 TITLE ARTIST

CASA ASIA Y FILIPINAS CASA ASIA AT PILIPINAS

Sus Beneficios Dentales de la Culinaria y los Dentistas. Ang Lyong Mga Benepisyo at Dentista sa Dental ng Culinary

Panitikang Asyano. (Gabay ng Guro) DRAFT

NOTICE OF THE REGULAR MEETING OF THE SAN FRANCISCO RESIDENTIAL RENT STABILIZATION & ARBITRATION BOARD,

NOTICE OF THE REGULAR MEETING OF THE SAN FRANCISCO RESIDENTIAL RENT STABILIZATION & ARBITRATION BOARD

DIOCESE OF SACRAMENTO

IMPORTANTE: USTED SE HA INSCRITO EN UN PLAN NUEVO PARA SUS SERVICIOS DE MEDICARE Y MEDI-CAL.

Resumen de beneficios de Transamerica MedicareRx Classic (PDP)

Preguntas importantes

Sus Beneficios Dentales de la Culinaria y los Dentistas. Ang Iyong mga Benepisyo sa Ngipin at Dentista sa Culinary

Blue Cross MedicareRx (PDP) SM

Voicebox Songbook by Title - Tagalog

Cuaderno de Escritura

Resumen de beneficios

Lee y señala las palabras que te indican. mesa pelo oso polo. mapa lola papá mamá. palo lupa sopa pupa. pala pepe pipa muela.

Aviso anual de cambios para 2015

PERRO BERDE NÚMERO CINCO Diciembre 2014

Wells Fargo Outgoing Consumer International Wire Transfer Notice of Error Resolution and Cancellation Rights

Su Libro de Co-pagos dentro de la Red de la Culinaria Ang Iyo ng Libro ng Co-Payment Loob ng Samahan ng Culinary

Resumen de beneficios

EmployeeElect para pequeñas empresas Saver $30 HMO

KÄVELYAPUVÄLINET. TukimetOy. Myynti: puh.(02) Valajantie5,26820RAUMA

po ta da la te to pa vo ga no de o ca lo ma ca ce me ti to ve po te lo la o so ba te ja to ro po ba ca na ra te os pe sa me al za ca ce ba li

2015 Evidencia de COBERTURA. Care Improvement Plus Medicare Advantage (Regional PPO)

El Nacimiento de Jesús

2015 Evidencia de COBERTURA. Care Improvement Plus Dual Advantage (Regional PPO SNP)

2016 Resumen de BENEFICIOS. AARP MedicareRx Preferred (PDP) Y0066_SB_S5820_009_2016SP

MATERIAL DIDÁCTICO PARA EDUCADORES SOBRE CÓMO ENSEÑAR O REEDUCAR LA ARTICULACIÓN DEL FONEMA /m/ "

ANEXO DE TASAS Y CARGOS DEL CONTRATO DE TARJETA DE CRÉDITO A partir del 30 de septiembre de 2015

EmployeeElect para pequeñas empresas Select $35 HMO

ANEXO DE TASAS Y CARGOS DEL CONTRATO DE TARJETA DE CRÉDITO VISA A partir del 30 de septiembre de 2015

JUGAMOS CON LAS LETRAS Y PALABRAS

Tasa de interés preferencial de los EE.UU % a 21.74% con base en su solvencia.

ACTIVIDAD LA VIRGEN VIENE A ZARAGOZA

Int r o d u c c i ó n...

COBERTURA Evidencia de. Llamada gratuita , TTY 711 de 8 a.m. a 8 p.m., hora local, los 7 días de la semana

Tasa de interés preferencial de los EE.UU % a 21.74% con base en su solvencia.

<DATE> <MEMBER NAME> <ADDRESS> <CITY, STATE ZIP> Estimado(a) <MEMBER NAME>:

T I T U L O I N O R M A S G E N E R A L E S 1/21

II

2015 Evidencia de COBERTURA. Care Improvement Plus Silver Rx (Regional PPO SNP)

Fundación Joaquín Díaz

ˆ ˆ«l l l l l L=============================» ˆ«ˆ ˆ œ.» nœ» ˆ«l l l l. l l l l l. l l l l l l l l l

El Nacimiento de Jesús

CAPÍTULO 1 CAPÍTULO 1. SOBRE EL GRADO DE CERCANÍA A LAS LENGUAS DE ASIA ORIENTAL: EL CASO DEL TAGALO Ángel López García Universidad de Valencia

FORD KA KA_202054_V4_2013_Cover.indd /12/ :41:54

FORD KA KA_202054_V4_2013_Cover.indd /06/ :05

1 3Ѓ0Ќ3Ѓ6 9c...chЃ0 1i vё i bё i ca dao NguyЃ6 1n HЃ0њ6ng QuЃ6 3c

Rosario Misionero. Con María, los niños, niñas y adolescentes oramos el Rosario por la paz y las misiones. Obras Misionales Pontificias de Colombia

INDICE DE PREFACIOS. 3. Epifanía del Señor: Cristo, luz de las naciones 303

Notificación Anual de Cambios para el 2016

2015 Evidencia de COBERTURA. Llamada gratuita , TTY 711 De 8 a.m. a 8 p.m., hora local, los 7 días de la semana

Información importante que posiblemente necesite antes de presentar su declaración de impuestos de {TAX YEAR}

Why should you worry about West Nile virus?

NOVENA NUESTRA SEÑORA DE LA SALUD ORACIÓN INICIAL:

JUEGO DE LECTURA CON DORA LA EXPLORADORA

Agenda Arquidiocesana Del 3 al 12 de octubre, Año 3 - Nº 91 Arzobispado de Arequipa

MEMORIA DE EXPERIENCIA DE TRABAJO

Resumen de Beneficios 2015

Confiados a mi cuidado

oct-15 NAVIRE nov-15 NAVIRE

Ín d i c e. In m u e b l e. Of e rta d e c o m p r a. Fo r m u l a r i o d o s... 5

Mamá me ama. Mi mamá me mima. Mimí me ama. Amo a mi mami. Mamá ama a Mimí. Mimo a mamá.

Ín d i c e. Ca p í t u l o I. Co n t r at o d e t r a b a j a d o r a g r í c o l a... 2 Normativa asociada... 4 Dictámenes... 4

Métodos devotos de recitar el Santo Rosario y atraer la gracia de los misterios de la vida, pasión y gloria de Jesús y María

"Es casi imposible ir hacia Jesús si no se va por medio de María". San Juan Bosco. Dirección de Pastoral - VIDE

Plan de Promoción de Kawasaki para una

LECTIO DIVINA Es la fuente pura de donde brota la espiritualidad cristiana. Lectura orante de la Palabra de Dios. Practiquémosla cada día para

Manual del miembro/ Evidencia de cobertura

13 de Abril Su amor no tiene límites Comunidad Católica Shekina Parroquia Santísima Trinidad - Tingo Hora: 19:00

LA ESPIRITUALIDAD DEL MAGNÍFICAT

DIÓCESIS de IZCALLI. Año Santo Extraordinario JUBILEO DE LA MISERICORDIA CALENDARIO

ÍNDICE GENeRAL. CAPÍTULO I Nuevas realidades económicas y sociales. CAPÍTULO II Dinamización de las relaciones de trabajo

07 de Abril Hora Santa Juvenil Parroquia Nuestra Señora de la Asunción - Cocachacra Hora: 18:00

Una publicación diseñada para el alumno preescolar (4-5 años) y sus padres.

Guía básica para una menstruacio n consciente

SANTO ROSARIO MISTERIOS GOZOSOS Tradicionalmente orado Lunes y Jueves

6 PREFACIO miembros de la Iglesia Militante, aún peleando la buena batalla de la fe como soldados de Cristo, aún viajando en el camino hacía la casa

PROYECTO PASTORAL 2015

Mayo, mes de las flores, mes dedicado de una manera especial a honrar a nuestra Madre la Virgen María y a nuestra madre de la tierra.


EL SALMO VESPERTINO Tono 8

Anakena, Rapa Nui - Isla de Pascua ISLA DE PASCUA, EL MISTERIO VIVE EASTER ISLAND, THE MYSTERY LIVES CHILE

SANTO ROSARIO MISTERIOS GLORIOSOS Tradicionalmente orado Miercoles, Sabado y Domingo

Presentada por Mons. Francisco Gil Hellín, Arzobispo de Burgos. un CD con 20 canciones infantiles

en la literatura española del siglo XIX

Reconociendo las vocales

Primavera 2015 Boletín de salud y bienestar

La demás información y los beneficios seguirán siendo iguales a lo descrito en el Manual del Afiliado de 2016.

Lema. Objetivo General. Eduquemos con el corazón de Don Bosco. Asociación de María Auxiliadora de Pozoblanco

CREER. 2 Dios Personal El Señor es mi pastor Por qué preocuparse?

CONCORDANCIA HIMNARIO EVANGÉLICO LUTERANO HEL # NOMBRE HIMNO CSG # 2 Oh ven, bendito Emanuel Emanuel Ven, Jesús muy esperado Y tú

Preguntas importantes. Por qué es importante?

Agenda Arquidiocesana Del 02 al 13 de mayo de 2013 Año 4 - Nº 121 Arzobispado de Arequipa

Preguntas importantes. Por qué es importante?

VÍA CRUCIS DE LA HERMANDAD PENITENCIAL CRISTO DE LA VIDA. Todos los viernes de Cuaresma se realizará un Vía Crucis con su imagen titular.

3º PMAR I.E.S ANDRÉS BELLO

Transcripción:

Pagsisiyam DISYEMBRE 9 17 Kapistahan DISYEMBRE 18 Pamilin: PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O ( Nuestra Señora de La O ) Pintakasi ng Bayan ng Pangil, Laguna Sa buong pagsisiyam araw-araw ay dadasaling mauna ang Santo Rosaryo ng Mahal na Birhen Maria, ang ukol sa araw na iyon, bago isunod ang: - Pambungad na Panalangin - Papuri at Hibik sa Mahal na Birhen - Pagninilay - Dalit sa araw na iyon - Paghahain - Katapusang Panalangin La Sagrada Expedición Ang PAPURI / PARANGAL sa MAHAL NA BIRHEN sa buong siyam na araw ay nasasalig sa: Unang Araw Nang Ialay sa Templo ang Birhen Maria ni Santa Ana na Kanyang Ina; Ikalawang Araw Inihanda ng mga Pari sa Templo ang Birhen Maria, na Ipinili ng Kasasamahin; Ikatlong Araw Hinirang ang Birhen Maria na Maging Ina ng Magkakatawang Taong Diyos; Ika-apat na Araw Ang Pagbati sa Birhen Maria ng Arkanghel San Gabriel; Ikalimang Araw Nang Batiin ang Birhen Maria ni Santa Isabel na Kanyang Pinsan; Ika-anim na Araw Dalangin ng Birhen Maria, Nawa y Isilang na ang Mesias na Hintay ng Lahat; Ikapitong Araw Kasama ang Birhen Maria ni San Juan Apostol sa Pulo ng Patmos; Ikawalong Araw Nagbalik ang Birhen Maria sa Herusalem; at Ikasiyam na Araw Hiniling ng Birhen Maria, Kunin na Siya ng Kanyang Anak (Pagkamatay ng Birhen Maria) 1

PAMBUNGAD NA PANALANGIN Manalangin Tayo: O lubhang mapalad na Ina ng Mananakop, pintuan ng Langit na laging bukas, bituing maningning na tumatanglaw at pumapatnugot sa mga naglalayag sa masigwang dagat ng buhay sa sanlibutang ito. Saklolohan mo po kaming mga nasa kasalanan na naghahangad din namang makaligtas doon; ikaw na hinahangaan ng buong kalikasan; naglihi ka at nanganak sa Lumalang sa iyo. O Kalinis-linisang Birhen, bago at matapos makapanganak; tumanggap ng magalang na bati ng Arkanghel San Gabriel, mahabag ka sa mga makasalanan, na dumudulog, nangangayupapa, at nasasakdal po sa iyo, na tulungan kaming ipagmakaawa sa Kabanal-banalan at makapangyarihang Diyos, na patawarin kami sa aming mga kasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan at mga biyaya ng langit. SIYA NAWA. PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O UNANG ARAW ( Disyembre 9 ) NANG IALAY SA TEMPLO ANG BIRHEN MARIA NI SANTA ANA NA KANYANG INA Dasalin ang Pambungad na Panalangin Papuri: Itulot mo po mahal na Birhen De La O na purihin namin at ipagpasalamat ang ala-ala nang; Iaalay ka sa Templo ng butihin mong Ina, sa pag-asang ikaw ay nakahanda sa mga gawang kabanalan at nakilala ang taglay mong kalinisan ng puso; sapagkat ipinangako ng marangal mo pong Ina, na kung mapagkakalooban ang Panginoong Diyos ng bunga, ay ilalagak sa Templo upang lubusang makapaglingkod sa kanya na nagbigay, kaya naman isinagawa ang katuparan. Sadyang ang pangako ay dapat yupdin, dapat nating tandaang magaling at alalahaning nakapangingilabot paglaruan ang makapangyarihang Diyos, kaya banal na pagtatapat ang dapat iukol sa kanya, sapagkat siya y totoo at banal. Hibik: Wala nga kaming dapat pintuhin at pagsakdalan ng aming mga hinaing kundi ikaw po mahal na Ina, hantungan ng amingpag-asa. Pahalagahan mo po itong aming pagtawag dalangin, ipagkapuri mo pong ialay sa makapangyarihang Santisima Trinidad: Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Ispirito Santo, nang lalong tumibay at maging dapat ang aming pagsampalataya at pag-ibig sa iisang Diyos na tatlong Persona, na ito at diyan sa buhay na walang hanggan. SIYA NAWA. Pagninilay: Nilaynilayin mo, kaluluwa ko, kung gaano kahalaga ang pagpapasakit ng Ina ni Ginoong Santa Maria, marangal na si Santa Ana, nang ihain na sa Templo ang bugtong na anak, maganda, mayumi, 2

mahinhin, at kaibig-ibig, ay pinaglabanang binata ang mawalay sa kanya, buong puso at kaluluwang inihain sa Diyos ang kaisa-isang anak ng kanyang katandaan. Tularan nawa natin ang gayong kabutihan katiningan ng loob ng isang ina, kapag alang-alang sa Diyos ay binabata ang bigat ng anumang hirap sa pangungulila sa tanging ligaya ng buhay, kalianma t sa Diyos nga ang pinag-uukulan. Dalit sa Pagparito ng Mahal na Birhen de La O: (Sagot) Nuestra Señora De La O Devota naming totoo Nuestra Señora De La O, Tanggulan ka namin dito. Dakila ka pong larawan ni Maria Birheng hirang, De La O, iyo pong ngalan pag-asa, ang kahulugan. Dalangin mo po y masasal Nuestra Señora De La O, sa anyo mo nawawarian. Na, nawa ay isilang na ang magliligtas sa sala, mana kay Adan at Eba. Hangarin mo y pang lahat na Sa Espanya ka nagbuhat Nuestra Señora De La O, upang dito ay mahayag. Isang libo, pitong daan apatnapu t isa ang bilang ng taon ka po dumatal dito sa hamak na bayan, Sadya ka ditong padala Nuestra Señora De La O, ng haring Carlos ang badya. Kasabay ng idating ka ay ang Setro at Korona, Lubhang napakahalaga mga ganting ala-ala. Sapagkat dito y nagtira Nuestra Señora De La O, yaong mahal na Monarka. 3

Nang siya pa ay prinsipe anak ng Haring Felipe, nagkasala, ay ang sisi ma-destierro ay siya dine. Dalawang taong singkad Nuestra Señora De La O, bago siya pinatawad. Ang utos ng Haring Ama sa Espanya magbalik na, isasalin ang korona at kapangyarihan niya. Nang sa Espanya y dumating Nuestra Señora De La O, ganting loob dito y Birhen. Mula na noon ay ikaw Pintakasing minamahal, pinupuri t iginagalang nitong buong sambayanan. Kami po y iyong tulungan Nuestra Señora De La O, ng sa Diyos ay kaawaan. Paghahain: Papaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod, ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA. (Dasalin ang tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at isang Aba Po) Katapusang Panalangin: Ihibik mo po kami Mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amoamo mo kami sa Bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon namin, Diyos na totoo at tao namang totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manariwa nawa sa aming puso at kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan nawa ng banal na diwa ng aming mga 4

Puno ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka naming magpasawalang hanggan. SIYA NAWA. 5

IKALAWANG ARAW ( Disyembre 10 ) INIHANDA NG MGA PARI SA TEMPLO ANG BIRHEN MARIA, NA IPINILI NG KASASAMAHIN Dasalin ang Pambungad na Panalangin Papuri: Pinupuri ka namin at niluluwalhati mahal na Ina ng aming pag-asa, alang-alang doon sa inihanda ka ng mga Padre sa Templo na ipili ng kakasamahin, sa pag-asang ang dakila mong kalinisang itinatalaga sa Panginoong Diyos ay siyang katuparan ng hula ng mga propeta sa napapangakong Mesias. Kahili-hili ang mapapalad na nakatatalos ng mga niloloob ng Panginoon, wala pang nagpapahayag ng harapan ay ang kutob ng loob ang sinusunod, natatamo ang pagkakaalam sa pamamagitan ng matamang pananalangin, inihihingi ng tulong sa Panginoon upang mapatumpak sa Kanyang kalooban. Sinong magaalinlangan na ang ating Panginoong Mananakop ay nanalangin? Idinaing ang Kanyang mithi, ngunit pagkatapos ay sinabing: Ama Ko mangyari ang Iyong kalooban at huwag ang sa Akin. gayon nga ang mga banal, siya nating tularan. Ang larawan nila at mga ginawa sa buo nilang buhay ay pag-aralan at gawing huwaran. Iyan ang kung bakit ginagawa ang mga mahal na larawan at pinakasusuri ang kasaysayan ng buhay banal upang maging ating uliran. Hibik: Papaging dapatin mo itong aming paninikluhod, nangangayupapa sa mahal mo pong harapan sa pagsampalatayang gagantihing-loob ng Makapangyarihang Diyos; kaya kami y ipagmakaawa tulad ng hinahangad namin dito sa pagsisiyam na magkamit patawad sa aming mga kasalanan, maligtas sa anumang panganib at kapahamakan ng kaluluwa at katawan kung ang gayon ay mangyayaring ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos at ikagagaling naming sa buhay na ito sa ibabawng lupa at diyan sa kaluwalhatian sa langit. SIYA NAWA. Pagninilay: Dili-diliin mo ang aking panimdim, ang mahalagang lihim na katalagahan ng Panginoong Diyos na ang banal na Birhen Maria, may panata sa kalinisan, ay siyang inihanda ng mga Pari na ipili ng kakasamahin. Ito y sapagkat ang diwa ng banal na Panginoon ay nangungusap o nagpapahayag sa puso ng mga may pananampalataya at itinuturo sa ating anghel na tagatanod kung ano ang dapat gawing magaling, at kung tayo y nakagawa ng masama, ay sapagkat ang sinunod natin ay ang hilig ng kahinaan at napapadaig sa daya ng tukso; dapat sana ay ang tibok ng marangal na damdamin at di ang hindi nakikilala ng ating bait, sa mga walang pananalig at nililimot ang pag-asa sa awa at katarungan ng Panginoon. (Daing) Kahabagan mo po kami mahal na Ina ng Awa na lumakas ang aming pandamdam sa pakikinig sa atas ng Panginoon na tanging hinding-hindi magkakamali. Itinatatak ng maliwanag sa ating puso upang siya lamang sundin na isagawa iyong mabuti sa iyo at gayon din sa kapuwa mo tao. Maging bingi nawa kami at mawalang kaya na gawin ang bulong ng kasamaan na siyang nagpapahamak sa katawan at kaluluwa; katakutan nawa namin at iwasan ang ganito alang-alang sa walang likat na kabutihan ng Panginoon na lumalang sa amin upang maging kanyang kampon. Huwag naming sayangin 6

ang sagana Niyang kaawaan. Ibigin namin Siya ng dahil sa paglalang sapagkat naglaan ng lahat na kailangan natin sa buhay, at ipinaghanda rin naman tayo ng magliligtas, sapagkat alam Niya na marami ang nagkakasala; ngayo y magpasalamat tayo sa Mahal na Birhen Maria, na siyang itinalaga ng Panginoon upang makatulong sa ikatitimawa nuong mga nagsisipanalig sa Kanya. Dalit sa Paghingi ng Saklolo sa Mahal na Birhen De La O: (Sagot) Nuestra Señora De La O Devota naming totoo Nuestra Señora De La O, Tanggulan ka namin dito. Huwag naming malimutan Katamis-tamisan mong ngalan araw gabi y tawagan hanggang kami y nabubuhay. At kaming mga lingkod mo Nuestra Señora De La O, sukuban ng Iyong manto. Ng huwag kumalat-kalat kaming iyong mga anak bakuran ng mahal mong lingap na matipon sa iyong harapan. Ang awa at tulong mo Nuestra Señora De La O, pakamtan sa amin dito. Ang habag mo, Inang Birhen ay ilaganap sa amin ng di kami maalipin ng mga Espiritung suwail. Ang mapagpalang kamay mo Nuestra Señora De La O, magligtas sa amin dito. Ikaw ang dinadaluyan sa Diyos ng kapangyarihan, kami nawa y makinabang hamog ng kapatawaran. Yamang hirap ma t saklolo Nuestra Señora De La O, nagdaraan sa kamay mo. 7

Paghahain: Papaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod; ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA. (Dasalin ang tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at isang Aba Po) Katapusang Panalangin: Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amoamo mo kami sa Bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon namin, Diyos na totoo at tao namang totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manaiwa nawa sa aming puso at kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang mga kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan ng banal na diwa ang aming mga Puno ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin magpasawalang hanggan. SIYA NAWA. 8

IKATLONG ARAW ( Disyembre 11 ) HINIRANG ANG BIRHEN MARIA NA MAGING INA NG MAGKAKATAWANG TAONG DIYOS Dasalin ang Pambungad na Panalangin Papuri: Pinaghahandugan ka namin ng matimyas na ala-ala, mahal na Ina ng Pag-asa, alang-alang sa: hinirang kang maging Ina ng Magkakatawang Taong Diyos; walang ibang katangi-tangi na gaya mo; nakasama sa buong buhay dito sa ibabaw ng lupa noong namatay sa Krus, bago nabuhay na mag-uli ng ikatlong araw, lubos kang hirang na pinagkatiwalaan ng Banal na Amang nasa langit na sumaksi at nangalaga ng buong ingat sa nagkatawang taong Diyos. Bagaman mahal namin Ina, hindi kami nagkapalad na tulad mo sa gayong karangalan sa mata ng Makapangyarihang Panginoon, ay narito, ipinakikidamay namin ang lubos na paniniwala sa mga himala o misteryo ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapakasakit at mga hirap na tiniis at buong-buo ang pag-asa namin na dahil dito y kakalingain kami, alang-alang kay Hesukristo ring anak mo, na sa pagkabitin sa Krus ay isa sa mahalagang pitong winika, ang: Babae, Nariyan Ang Iyong Anak, tinutukoy ang Apostol San Juan na kumakatawan sa sangkatauhang may pagsampalataya at umiibig sa Kanya. Hibik: Patunayan mo po nawa kaibig-ibig na Ina ng aming Pag-asa, na kaming iyong mga minamahal na anak, ay maging dapat sa walang likat na kaawaan at pagpapala sa lalong ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos at sa ikapagpapagaling naman ng katawan at kaluluwa namin ngayon at magpasawalang hanggan. SIYA NAWA. Pagninilay: Pagbulay-bulayin mo ang aking isip, na ang Mahal na Ina ng Pag-asa ay siyang nagluwal sa maliwanag na nagkatawang-taong Diyos; maingat na nangalaga at nakasaksi sa mga himala na patotoo ng ka-diyosan: ang pagtitiis ng hirap na katubusan sa mga taong nilikha na kumikilala at sumasamba sa Kanya, na Siya y namatay bago nabuhay na mag-uli at umakyat sa langit; ay paka-isiping walang pasubali na pawang katotohanan, paniwalaang may lubos na pananalig, alang-alang sa tinupad ng Mahal na Birhen Maria ang atas ng Panginoon ukol sa Manunubos. Sapagkat siya y ganap na sumampalataya, kaya hindi matatawaran ninuman ang dakilang karapatan ng Inang Birhen Maria; na maging tagapamagitan natin, bukod pa sa kinikilala ng Diyos Anak ang hirap, puyat, pagod at luha na idinamay sa pinakasisintang Anak sa pagiging tao. Papagningasin nga natin ng buong ala bang ating mga puso ng pagtawag sa Kanya ng madalas at taimtim nang ikarangal niyang ilapit tayo o ipamagitan ang walang humpay na pagpupuri natin sa Panginoong Diyos. 9

Dalit sa mga Himala ng Birhen De La O: (Sagot) Nuestra Senora De La O Devota naming totoo Nuestra Senora De La O, Tanggulan ka namin dito. Sa Diyos kami idaing na dito y nawa pawiin kami y binyaga t ampunin. Matimawa kami dito Nuestra Senora De La O, sa madlang salot at tukso. Sa awa mong malaganap sa taga-pangil mong liyag, sa Archivo y nasusukat himala mong ipinamalas. Isang umaga ng sabado Nuestra Senora De La O, naligo ang larawan mo. Ang salot na lubhang malakas noo'y naghaharing ganap, namamatay daming di hamak mga gamot di makalunas. Sa iyong awa sa tao Nuestra Senora De La O, naligo ang larawan mo. Nang sa Kurang matalastas at nang sambayanang lahat, nanikluhod sa iyong harap pinupuri ka Birheng mapalad. Ang bata at matandang tao Nuestra Senora De La O, nagsipagligong totoo. Dumalang napawing lubos ang namamatay sa salot, at ito y kaya natalos sa tulo ng iyong buhok. Mula sa paso y nasusog Nuestra Senora De La O, 10

hanggang sa Altar mong lubos. Paghahain: Papaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod; ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA. (Dasalin ang tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at isang Aba Po) Katapusang Panalangin: Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amoamo mo kami sa bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon namin, Diyos na totoo at tao namang totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manawari nawa sa aming puso at kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan ng banal na diwa ang aming mga Puno ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin magpasawalang hanggan. SIYA NAWA. 11

IKA-APAT NA ARAW ( Disyembre 12 ) ANG PAGBATI SA BIRHEN MARIA NG ARKANGHEL SAN GABRIEL Dasalin ang Pambungad na Panalangin Papuri: Kalugdan nawa ng marilag naming Ina ng Pag-asa, na batiin ka namin ng buong pagpaparangal, sapagkat binati ka ng Arkanghel San Garbiel at ibinalitang hinirang ka na siyang maglilihi at manganganak sa Berbo. Sa iyong kahanga-hangang pagkamasunurin sa anumang ipagtalaga ng Panginoong Diyos, ay buong kapakumbabaang tinanggap ang pagiging Ina, sa kabila ng iyong kalinisan, ay lumaang mag-iwi sa Sugo ng Langit sa sangkatauhan na hindi mo po naman ipinagmalaki, ni hindi ipinagparangalan, gayong walang katumbas ang katangian sa lahat ng uri ng pagkatampok, tulad ng maging Ina ng nagkatawang taong Diyos. Hibik: Dahil sa lubos mo pong kababaang-loob, kami nama y bahaginan ng kalinisan ng puso at pagpapakababa, matutong manalig sa pangako ng kaligtasan at magpakatibay sa pananampalataya at pag-ibig na gumagawa ng matapat sa Panginoong Diyos hanggang sa wakas. Kaya nga mahal na Ina ng aming Pag-asa, kami y iyong alalayan sa aming kahinaan upang lumakas. Tulad mo pong hindi nagalinlangan sa mga sinabi at ipinagtalaga sa iyo, tinanggap mong pagtiisan alang-alang sa Diyos na may kalooban; kami nama y nagmamakaawa ng tulong mo na matularan ka namin ng pananalig sa Panginoong Diyos, upang pagpalain kami sa mga biyaya sa buhay na ito at diyan sa buhay na walang hanggan. SIYA NAWA. Pagninilay: Mataman mong gunitain aking puso, na maging ang Arkanghel San Gabriel na sinugo ng langit ay, mapitagang bumati sa Mahal na Birhen, malumanay na sa paliwanag ng mapapaniwala; tayo namang hamak na alabok, ay ano ang ating matuwid na hindi pintuhin ang pinarangalang hinirang ng Diyos na maging Ina ng Tagapagligtas; ganyakin ang ating sarili na iluhog ng buong liwanang ang ating mga nasain, ipagtapat ang mga hilahil upang sa kanyang pagkamaawain ay huwag tayong makaligtaan; lagi tayong mag-alay ng papuri, hiyasan ng di paglimot kasama ang lubos na pagsisisi, patunayan sa madalas na paglapit na pinaka-iibig natin siya at tinatanggap na lagi ang kanyang Bugtong na Anak sa pamamagitan ng pakikinabang. Sa ganitong paraan maka-aasa na kalulugdan niya at tutulungan upang tayo y magkamagandang palad hanggang sa oras ng ating kamatayan hanggang sa kabilang buhay naman. Dalit sa mga Himala ng Birhen de La O: Nuestra Señora De La O ( Sagot ) 12

Devota naming totoo Nuestra Señora De La O, Tanggulan ka namin dito. Patunay ng may katawan nang siya pa ay nabubuhay na taga Matikiw naman Mariano Trabajo ang ngalan. Ito y laganap mong awa Nuestra Señora De La O, O Birheng mapaghimala. May dalang kahoy at uway sa Santa Cruz na bayan, ang kanyang napagbilhan kulang pa sa piso naman. Iniisip na ipagsugal Nuestra Señora De La O, kung manalo y maragdagan. Napa-awa kay San Roque na manalo t mamimile, pagkain nilang sarili natalo t walang nalabi. Ang kulang palad na tao Nuestra Señora De La O, uuwi ay litung-lito. Nang sa bangka sa aplaya sakay na walang dala, sa katatanaw ay nakita bayang Pangil napagsiya. Sa Mahal na Birheng de La O Nuestra Señora De La O, nagmaka-awang totoo. Matapos ang pananalangin ang naghari sa panimdin, palengke siyang tunguhin baka sakaling palarin. Magbibigas ang natukoy Nuestra Señora De La O, kahuhuo lamang noon. Lakas loob nakiusap 13

pautangin siya ng bigas, may tinda y di man nangusap tiningnan siya at sukat. Bago ang wika y sumahod Nuestra Señora De La O, tinakalang walang tuos. Sa takot at kahihiyan niyong taong umu-utang baka di na mabayaran kung malaki ang maging utang. Takal ay pinatigilan Nuestra Señora De La O, tuloy namang nagpaalam. Nang sumunod na Huwebes ang mangungutang ay nagbalik bayad ay ipinipilit sa babae t namamanhik. Ito namang magbibigas Nuestra Señora De La O, ang bayad hindi matanggap. Sa magbibigas na tutol walang umu-utang noon, bigas niya y di-natayong nabiling hindi hinapon. Pasubali ng umutang Nuestra Señora De La O, kasalanang hindi bayaran. Walang hanggan ang awa mo Nuestra Señora De La O, naging panata noong tao mag-novena kahit may bagyo. Sa tuwing ipagdiriwang Nuestra Señora De La O, ang iyong kapistahan. Paghahain: Papaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod; ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong 14

ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA. (Dasalin ang tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at isang Aba Po) Katapusang Panalangin: Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amoamo mo kami sa bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon namin, Diyos na totoo at tao namang totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manawari nawa sa aming puso at kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan ng banal na diwa ang aming mga Puno ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin magpasawalang hanggan. SIYA NAWA. 15

IKALIMANG ARAW ( Disyembre 13 ) NANG BATIIN ANG BIRHEN MARIA NI SANTA ISABEL NA KANYANG PINSAN Dasalin ang Pambungad na Panalangin Papuri: Bayaan mo pong alalahanin namin ng may buong pagpaparangal sa iyo Mahal na Ina ng Pag-asa, ng batiin ka ng iyong pinsang si Santa Isabel, na sinabi: Mapalad ka at lalong kapaladpalaran ang sanggol na nasa iyong tiyan, na siyang kaban ng tipan. ; lubhang mahalaga at lalong hindi ka naglikat ng pagpupuri sa Diyos, nagpakatibay sa pag-asa na ang iyong magiging bunga na ipanganganak ay ang tunay na Berbo ng Diyos, tagapagligtas at tanging kinalulugdan ng higit kaysa kaninumang ipinanganak pa sa silong ng langit. Hibik: Marapatin mo pong tulungan kami at alalayan ng iwaksi namin ang pagsasalawahan, magpakatibay sa pananalig na hindi mo pababayaang ampunin, at ihihingi kami ng kapatawaran sa aming mga kasalanan ng mapakinabangan nawa kami ng mahal na Dugo ng nagpakasakit mong Anak, Mananakop na si Hesus. Tulungan mo kaming mawili sa taos-puso na laging pananalangin, magpakatibay sa pananampalataya na may kalangkap na gawang magaling, magpakalinis sa buong buhay namin, magkawang-gawa sa kapuwa tao, tumulong sa mga salanta at nasa tunay na kagipitan, talikurang lubos ang kapalaluan o pagmamataas at mga karangyaan, ng malubos ang pagpapala sa amin. SIYA NAWA. Pagninilay: Alalahanin mong masuri ng aking diwa, ang matimbang na kahalagahan ng pangungusap ni Santa Isabel, palibhasa y may wagas na pananampalataya at lagi sa pakikiulayaw sa pamamagitan ng malalim o matining na pananalangin sa Panginoong Diyos, kaya nakaalam ng lihim katalagahan; saan di nga pagpapahayagan sa pintig ng loob na ang bubukhin sa bibig ay pangungusap na mula sa langit. Iyo y ipinagtitiwala sa mga nilikhang lubos na umiibig at nakikipagtoto sa Kanya, doon sa mga may buong kalinisan at sumasangguning mataimtim, nahahabag sa kapwa kalakip ang kawang-gawa at paglilimos sa mga dukha. Magpakasikap nga tayo at ipagpasalamat na ipagmalasakit ang kapurihan ng Diyos upang makamtan at makarating tayo sa Kanyang kaharian ng nakasamang magpuri at niluluwalhati Siya magpasawalang hanggan. Dalit sa mga Himala ng Birhen De La O: ( Sagot ) Nuestra Señora De La O Devota naming totoo Nuestra Señora De La O, Tanggulan ka namin dito. 16

Minsan nama y naisipan Kura Paroko ng bayan, ma-enkarna iyong larawan sa ilog ka ipinalagay. Walang ulan man o unos Nuestra Señora De La O, ang baha biglang bumuhos. Sa awa mo Inang Birhen pintakasing hirang namin, ng sa ilog ika y alisin ang baha nama y tumigil. Maawain kang totoo Nuestra Señora De La O, sa nananalig sa iyo. May iba ka pang himala na lubhang kahanga-hanga, taas mo t kalakhang lubha ibig kang gawing mababa. Tumawag ang Kura dito Nuestra Señora De La O, ng maalam sa grabado. Sa katawan ka babawasan at nilalagaring tunay, bahagya pa binabaunan wika mo y poco-poco lamang. Eskultor natakot dito Nuestra Señora De La O, sa narinig na sabi mo. Paghahain: Papaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod; ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA. (Dasalin ang tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at isang Aba Po) 17

Katapusang Panalangin: Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amoamo mo kami sa bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon namin, Diyos na totoo at tao namang totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manawari nawa sa aming puso at kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan ng banal na diwa ang aming mga Puno ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin magpasawalang hanggan. SIYA NAWA. 18

IKA-ANIM NA ARAW ( Disyembre 14 ) DALANGIN NG BIRHEN MARIA, NAWA Y ISILANG NA ANG MESIAS NA HINTAY NG LAHAT Dasalin ang Pambungad na Panalangin Papuri: Tunghayan mo po kami mapagpalang Ina ng Pag-asa, narito kami sa iyong mahal na paanan at ipinagdiriwang ang iyong idinadalangin sa Panginoong Diyos, ang masigasig mong hinihiling; na nawa y isilang na sa mundong ito ang ilaw na magliliwanag sa nadidimlang sangkatauhan na nalilipos ng ulap ng kasamaan. Walang atubili ang iyong pag-asa na ang ipanganganak mo y yaong hinihintay ng lahat, ang Mesiyas na napapangako; at sapagkat ang pinakamagaling sa lahat ng pinakamimithi mo ay hindi ang sa sarili lamang, kundi ang sa tanang inianak ni Eba t ni Adan; kaya karapat-dapat kang pakapurihin at dakilain ng lahat. Sa kabutihang palad ay iilan ang hindi nagpapahalaga sa iyo at nawa y dumating ang araw na sila man ay kumilala rin at magparangal po sa iyo. Hibik: Mahal na Birhen De La O, tulungan mo po kami, tulad ng masidhi mong mithi na maano y isilang na sa sanlibutang ito ang Anak ng Tao, datapwa t Diyos at Tao namang totoo; masigasig din namang idinadalangin namin ang kaganapan ng dasal na AMA NAMIN Dumating nawa ang kaharian mo.magluwalhati nawa ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, na sa pamamagitan mo po ay loobing dumating na at lumaganap ang Kaharian ng Diyos, upang Siya na ang makapangyari sa ibabaw ng lupang ito na pinamamayanan ng mga tao. Maging dapat na po sa iyo na tanggapin itong aming ipinakikiramay dahil sa kinalulugdan ka ng Panginoon ay akayin mo po kaming sumunod at maging maluwag sa loob ang pagsang-ayon sa bawat ipagtalaga sa amin ng dakilang Ama sa langit; huwag kaming maligaw sa landas na dapat lakaran upang matunton ang matuwid na katarungan ng Diyos, sa ikapapanuto sa magandang kapalaran sa buhay na ito at diyan sa langit magpasawalang hanggan. PAGNINILAY: Pagtamanan mong alalahanin aking bait ang kadalisayan ng mataos na mithi ng Ina ng Diyos, na itulot nawa ng langit na iluwal na sa mundo, na huwag ng magtagal pa ang Mesias sa sinabi ng mga propeta. Hinihinging may pag-asa ng mapalad na Ina ang madali nang pagdating ng tutubos sa sala ng sangkatauhan. Nagpapakilala lang ang ating Mahal na Inang Birhen Maria ay naliligayahang higit kaninuman, na ang lahing tao ay magkamit patawad sa kasalanang minana. Kaya tayo nama y magmakaawa sa kanya upang ipagkapuring idaing sa Panginoong Diyos na iligtas tayo sa madlang sakuna at mga salot; magtamong ginhawa sa mga tinitiis na kahirapan dahil din sa pagsasansang natin sa banal Niyang kalooban; magkaroon nawa tayo ng tapang na itakwil ang hibo at pang-uupat ng mga walang kinikilalang Diyos, tulungan tayo ng Ina ng Pag-asa na pagtagumpayang lubos ang mga kaaway ng katawan at kaluluwa, gamiting matibay na kalasag ang pag-asa sa tangkilik at tulong ng Panginoon; tulad ni Haring David na pagkabata na may katutubo ang umasa sa hindi magagaping lakas kapangyarihan ng 19

Diyos; sa gayong ding tibay ng pananalig nagpakatimpi ang mahal na Birhen; ulirangin natin ang nakahihiling katiningan ng loob sa pagsampalataya, paampung walang likat sa lahat ng sandali sa maawaing Ina ng mananakop, Ina rin natin sa Panginoon, Inang malinis at tapat na loob sa sinumang umuusal at nangangadya sa kanya. DALIT SA MGA HIMALA NG BIRHEN DE LA O: ( Sagot ) Nuestra Senora De La O Devota naming totoo Nuestra Senora De La O, Tanggulan ka namin dito. Sa Cuadrillerong Kapitan na Protacio ang ngalan, hinuli ng mga tulisan Exequiel ang pamumunuan. Dinakip ay napaampon Hiningi ang iyong tulong. Sa Polvorista dinala, luhod at magsisi na, saka binaril pagdaka sa leeg tinamaan siya. Nabuwal dugo y naglapaw iniwan na ng tulisan. Itong himala mo Birhen doon sa taong binaril, dalangin ay walang tigil iligtas mo po t ampunin. Sa sidhi ng tawag sa iyo ginawa mo ang saklolo. Neustra Senora PAGHAHAIN: Pagpaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod; ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Ispirito Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA. 20

(Magdasal tayo ng tatlong AMA NAMIN ABA GINOONG MARIA AT LUWALHATI At isang ABA PO upang kaawaan at pagpalain ang mga halamang ating ikinabubuhay.) KATAPUSANG PANALANGIN: Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amoamo mo kami sa Bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon naming, Diyos na totoo at tao namang totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manawari nawa sa aming puso at kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan nawa ng banal na diwa ang aming mga Puno ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin magpasawalang hanggan. SIYA NAWA. *** 21

IKA-PITO NA ARAW (Disyembre 15) KASAMA ANG BIRHEN MARIA NI SAN JUAN APOSTOL SA PULONG NG PATMOS MANALANGIN TAYO: O lubhang mapalad na Ina ng Mananakop PAPURI: Kadangal-dangal Birhen De La O, ituloy mong purihin ka na namin sa mga gawang kabanalan at sa mahalagang tulong na iniabuloy mo sa buong taon na kasama ka ni Apostol San Juan, ng sinulat ang dakilang Ebanghelyo ng Panginoong Hesukristo, na naglalarawan, hindi lamang sa pagkakatawang-tao ng Diyos Anak, kung di ang mga tanda ng mahahalagang katotohanan na si Hesus ay ang tunay na ikalawang Persona ng Santisima Trinidad, siyang sinugo ng langit, ang Tagapagligtas. Buhay na buhay ang iyong pananalig na di magkaulap munti mang alinlangan na Siya nga dili iba ang Mesias na ipinangako. HIBIK: Sa katibayan na paniwala mong hindi magmaliw ay maano po kaming bahagian ng tapang at lakas na huwag humina angaming loob, huwag lumamig kaunti man sa pag-asa sa iyong pamamagitan at magkamit ng hamog ng langit na magpapasariwang lagi sa marupok at lanta naming puso, nang sa gayo y makinabang ng kapatawaran sa kawalan namin ng utang na loob doon sa batis ng katarungan at mga biyaya; ng sa tuwina y matutong magpuri sa Panginoong Diyos angaming labi sa lubos Niyang ikaluluwalhati at sa ipagkakamit ngaming katawan at kaluluwa ng lubusang lingap mula sa Panginoon. SIYA NAWA. PAGNINILAY: Pakalining-ningin mong magaling aking budhi ang kahalagahan ng Ina ng Diyos, hindi lamang sa pagkapangalaga sa banal na Diyos Anak, kung di ng sinusulat na San Juan Apostol ang banal na Ebanghelyo ng ating Panginoong Hesukristo, ay gaano kalaki ang naiabuloy niyang tulong sa paglalarawan ng mga ginawa at winika ng Vervo.Nagpakalingid siya sa pula at pag-uusig ng mga umuupasala, niyong ang mga kinikilalang Diyos ay ang palalo, ang pumapatay ng kapwa-tao, ang nagtitira sa Palasyo at ang mga nahihiga sa banig na ginto.kahabag-habag na kamalian ng mga imbi na pinalalo pa ng sakim sa kapangyarihang pangkalupaan. Mahal na Ina ng Awa, huwag mo nawang bayaang kami ay mahulog sa bangin ng kawalang-pag-asa, kung di matuwaran ka namin na lumigpit, lumayo sa palalong singaw ng pagkakatawang lupa, magpakaliit at magpakayupapa sa mahal na harapan mo po nanapakamapagkumbabang Birhen, abuluyan din kami ng lingap upang buksan mo po sa amin ang pinto ng langit, upang makasama ng mga banal na magpuring walang humpay sa Santisima Trinidad magpasawalang hanggan. SIYA NAWA. 22

DALIT SA KAPURIHAN NG MAHAL NA BIRHEN DE LA O: ( Sagot ) Nuestra Senora De La O Devota naming totoo Nuestra Senora De La O, Tanggulan ka namin dito. Sa poot man ng Maykapal ng sa taong kasalanan, ikaw po ang inaasahang magpapalubag na tunay. At sa iyong pamamagitan ang parusa y nahahadlangan. De La Ong lubhang dakila De La Ong pinagsasadya, De La Ong hingian ng awa ng sinumang may dalita. Sa kapangyarihang taglay mo nanginginig ang impiyerno. Ang malabis na kasagwaan sa ugali t pananamit man, masaklap na kapalaluan pagsisihan naming tanan. Ng mapayapa ang bayan kaluwalhatia'y magdiwang. PAGHAHAIN: Pagpaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod; ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Ispirito Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA. (Magdasal tayo ng tatlong AMA NAMIN ABA GINOONG MARIA AT LUWALHATI At isang ABA PO upang kaawaan at pagpalain ang mga halamang ating ikinabubuhay.) 23

KATAPUSANG PANALANGIN: Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amoamo mo kami sa Bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon naming, Diyos na totoo at tao namang totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manawari nawa sa aming puso at kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan nawa ng banal na diwa ang aming mga Puno ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin magpasawalang hanggan. SIYA NAWA. 24

IKA-WALONG ARAW (Disyembre 16) NAGBALIK ANG BIRHEN MARIA SA HERUSALEM MANALANGIN TAYO: O lubhang mapalad na Ina ng Mananakop PAPURI: Ikaligaya nawa ng mairuging Ina ng Pag-asa na ikaw po y aming parangalan sa pamamagitan ng pagsisiyam na ito, upang alalahanin ang pagbabalik mo sa Herusalem mula sa pulo ng Patmos, na doo y namuhay kang lingid sa marami, nagbalik ka nga sa Herusalem na wala anumang karangyaan, walang kaaliwan kung di ang pag-asa na Makita at makaharap ang mga minamahal na Alagad nang umakyat sa langit ang mahal mo pong Anak. Magdalita ka Ina namin na pakimatyagan ang taos na ala-alang iniaalay namin sa iyong kawalang-malay sa kapalaluan, matuto nawa kaming umalinsunod sa kalinisan mo t kawalang imbot sa mga papuri noong nakikipamuhay ka pa dini sa bayan ng hapis na pinamamayanan ng mga taong nagtataglay ng nakahihiyang ugaling kasaganaan, nakaririmarim na pag-uupasala at paninirang puri sa kapwa. HIBIK: Tulungan mo po nawa kaming idalangin sa Panginoong Diyos na kasuklaman na namin ang lahat ng kasamaan, mabuhay ng malayo sa karangyaan at pagpapanggap, na makalugdan nawa kami noong puspos, karunung-runungan at gumagawa ng walang pagmamalaki, datapwat nakayayari ng maayos at makatutugon sa mga pangangailangan at hangarin ng nangabubuhay sa katuwiran. Tulungan mo rin po kaming gumawa at magpasakit magpagal sa paraang magiging marapat sa aming Diyos at Panginoon at maging sa aming kapwa-tao; mga gawang makasisiya sa kailangan namin, na buong sambayanan at lahi lalo pa ng sangkatauhang marangal, kung mangyayaring yaon ay pawang sa ikaluluwalhati ng Panginoon at sa ikapagbabalik-loob na ng mga naliligaw, ng mga nalilihis sa matuwid na landas. SIYA NAWA. PAGNINILAY: Paglimiing aking pagdamdam, itinitingi at ipinakikimatyag, ang malalim na kahulugan na pagbabalik sa Herusalem ng nangungulilang Ina, mula sa liblib na pulo ng Patmos; hindi baga marapat na pagbalik-balikin natin ng walang sawa, lapitang muli t muli, pagpahayagan ng ating mga hinahangad, hingan ng awa sa araw at gabisa buong panahon ng ating buhay ang mapag-andukhang Ina, na siya ang lalong higit naghahangad na makita tayo y nabibilang sa mga nagpapasakop sa mga pinakakasakitan ng Mahal niyang Anak, makita ng may kaluguran ng napakamahabaging Ina na tayo y kasama sa hanay ng mga may tanda sa noo ng banal na pangalan ng maluwalhati niyang Anak na si Hesus sa araw ng paghuhukom Ito y walang salang pagtatalikan natin ng ligaya kung sa kanya tayo sumunod; makaagapay nawa tayo sa mga pinagpala kung hindi tayo maglulubay ng pagsamo at pagmamakaawa, paligayahin natin siya na kagiliw-giliw nating Ina, sapagkat ang kasiyahan niya ay ang siya y ating sundin, luwalhatiin at umasa sa kanyang pag-aampon. 25

DALIT SA KAPURIHAN NG MAHAL NA BIRHEN DE LE O: ( Sagot ) Nuestra Senora De La O Devota naming totoo Nuestra Senora De La O Tanggulan ka namin dito. Ikaw ang devota namin lubhang mapagpalang Birhen sa langit po y paabutin taimtim naming dalangin. Madaling magagawa mo ang awa at tulong sa tao. Magkaisa nawang damdamin Balian, Sulib at Pangil, mag-ibigang mataimtim tanang binyaga y gayon din. Ng magtagumpay sa mundo ang aral ni Hesukristo. Pagmamahal at mga biyaya sa kamay mo Ina nagmula, magbatis nawang sagana Birheng wagas magpala. Kami y ipamagitan mo sa Panginoong Hesukristo. PAGHAHAIN: Pagpaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod; ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Ispirito Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA. (Magdasal tayo ng tatlong AMA NAMIN ABA GINOONG MARIA AT LUWALHATI At isang ABA PO upang kaawaan at pagpalain ang mga halamang ating ikinabubuhay.) 26

KATAPUSANG PANALANGIN: Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amoamo mo kami sa Bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon naming, Diyos na totoo at tao namang totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manawari nawa sa aming puso at kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan nawa ng banal na diwa ang aming mga Puno ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin magpasawalang hanggan. SIYA NAWA. *** 27

IKA-SIYAM NA ARAW (Disyembre 17) HINILING NG BIRHEN MARIA, KUNIN NA SIYA NG KANYANG ANAK (PAGKAMATAY NG BIRHEN MARIA) MANALANGIN TAYO: O lubhang mapalad na Ina ng Mananakop PAPURI: Ikaw at ikaw rin po karilag-rilag na Ina ng Pag-asa, ang saan mang dako, kalian mang sandal at maging nasa anumang kalagayan sa buhay at pamumuhay ay ikaw po ang dinaraingan, sa iyo kami lumalapit, nagmamakaawa; lalo na sa mga kagipitan namin ay walang iba kung di ikaw nga, na sa walang maliw na pag-asa, ay, hiningi mo na kunin ka na ng Makapangyarihang Diyos, ng kagalang-galang mong Anak upang mapanood mong lubos pananabik na walang kapantay at wagas na kaluwalhatian ng Kanyang pagka-diyos, na sapagkat hiling ng pinakagigiliw na Ina, ay kinuha ka, na anaki y natutulog lamang sa paningin ng mga Apostol na nangakapaligid sa kanya. At sa lihim talaga ng langit ay pinakahuling nakipagtipon sa Herusalem ang isa sa labing-dalawa, si Santo Tomas. Ito y niloob ng langit upang may pagkaalaman na hindi lamang ang dalisay mong kaluluwa kung di ng mga Anghel. Sinunod ng mahal na anak mong Diyos na totoo at tao namang totoo na kunin ka sapagkat Siya man ay nananabik na ring makita ka at magantimpalaan sa mga pinuhunan mong pagod, puyat at luha na idinamay sa Kanya; na ang pinakagantimpala sa iyo ay putungan ka ng korona at itanghal na Reyna ng buong sangkalangitan at sangkatauhan, iluklok sa trono ng kaluwalhatian, purihin ng Santisima Trinidad, dakilain ng mga Anghel at higit sa lahat ay ng giliw mong Anak sa pagkakatawang-tao, doon sa karurukan ng langit. HIBIK: Mahal na Ina namin, yamang nariyan ka na sa maluwalhating bayan, mula diyan ay maawa kang tanggapin ang pagbibigay dangal namin sa iyo sa pamamagitan nitong pagsisiyam; lingunin mo po kami at iluhog na tunghayan kami upang makalasap ng di-mapapantayang likas na kaaawaan; ng Diyos na lalo sa lahat, ipatawad na ang aming mga kasalanan, alang-alang sa mga hirap na dinalita ninyong Mag-ina, ituwid kami sa landas ng mga gawang kabanalan, maiwasan kami sa mga kamalian nuong mga nanghahawak sa masamang kailangang mapaglabanan nawa ang kahinaan sa mga tukso; papagbalikingloob nawa ang mga kusang tumatalikod at nagtataksil sa maka-diyos na pagpapala; tawagin ang maraming inililigaw ng masamang mga taga-akay at may budhing tungo sa pagkapahamak; abutin nawa ng liwanang ng katotohanan ng banal na Espiritu upang kaming lahat ay magkasama-sama na magpuri sa walang kapantay na Hari at Banal na Sangkalangitan, magpasawalang hanggan. PAGNINILAY: Pagmuni-munihin mong mataman, o tao, na kung ang Santisima Trinidad, ang mga Anghel, mga Serapines at Kerubines, at ang lahat ng kapangyarihan sa langit, sampu ng mapapalad na mga bana ay 28

pawang nagbigay puri sa Maharlikang Reyna, Birhen Maria; narito ang kailangan ng mga tao, mga bayan o mga bansa ay lubhang napapanganib mapahamak sa makatarungang poot ng Diyos na Panginoon, dahil sa mga mananalansang ay hindi nakatitiis na di dumalaw dito sa lupa, pakita at makiulayaw sa napipiling dumog sa mga gawang kabanalan at walang malay sa kahalayan, upang magbigay ng babala at magpayo naman ng ikaliligtas, kung susundin lamang ang mga banal na tagubilin at ipinapayo. Ay anong tigas ng loob mo, o tao, lumalapit na sa iyo dahil sa walang hanggang pagkaawa ay ayaw mong paniwalaan. Ibig mo bagang ikaw na kulang-palad dahil sa karumal-dumal mong kasalanan, ikaw na hamak na alabok ng lupa hindi baga nais mong laging malinis at tuyo ang damit mong isinusuot hindi baga hangga t maaari ay nilalayuan mo ang marumi at hindi matiis ang masamang amoy, nakaririmarim?... ay bakit hahangarin mo, na basa at nakukulapulan ng nakapandidiring kasalanan, ikaw na masangsang ang baho sa kalupitan, sa pagkawalang kawang-gawa, mapanumbat at taksil, napakarungis sa pagwawalang-bahala sa mga biyaya ng langit, ikaw na ang buong paniniwala ay siyang pinakamagaling, ngunit mayabang. Magdili-dili ka nga, o tao, magbagong loob at magsisi. Halina at manumbalik, tularan ang Ina ng Diyos na Mananakop na hindi sumuway sa anumang ipinagtalaga; noong pinaaalis sa sariling bayan, tumahak sa mapanganib na disyerto, hindi natakot sa malulupit na mga berdugo na nagpaparusa sa kanyang pinakamamahal at banal na Anak, sa lahat ng iyan ay malumanay at buong pagtitiis na sumunod ng may buong pananalig sa awa at pagkalinga ng Diyos na Panginoon. Wala na ngang iba na marapat kung di ang magsagawa ng mga pagpapasakit sa lahat ng kaparaanang naaayon sa banal na matuwid na niloob ng Diyos upang magtamo ng ganap na gantimpala sa buhay na ito at doon sa kabilang buhay. DALIT NA PAPURI SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O: ( Sagot ) Nuestra Senora De La O Devota naming totoo Nuestra Senora De La O, Tanggulan ka namin dito. Sapagkat hirang kang Ina ng Mananakop sa sala, hindi matitiis Niya na hindi pagbigyan ka. Kami y ipagmakaawa mo sa Panginoong Hesukristo. Puyat, hirap, mga luha dinamay mo sa dalita, na tiniis niyang pawa ng mga tao y matimawa. Kami po y idalangin mo sa Panginoong Hesukristo. 29

Sa lubos mong karapatan sa pagiging Inang tunay, kami y walang alinlangan na ikaw po y pakikinggan. Kaya kami y ipamagitan ng sa Diyos kaawaan. PAGHAHAIN: Pagpaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod; ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Ispirito Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA. (Magdasal tayo ng tatlong AMA NAMIN ABA GINOONG MARIA AT LUWALHATI At isang ABA PO upang kaawaan at pagpalain ang mga halamang ating ikinabubuhay.) KATAPUSANG PANALANGIN: Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amoamo mo kami sa Bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon naming, Diyos na totoo at tao namang totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manawari nawa sa aming puso at kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan nawa ng banal na diwa ang aming mga Puno ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin magpasawalang hanggan. SIYA NAWA. 30

AWIT SA NUESTRA SEÑORA DE LA O I Oh! Devota naming De La O Bulaklak ng langit dito. CHORUS: Nuestra Senora De La O Kami po y kaawaan mo. II Huwag naming malimutan Kagalang-galang mong ngalan Araw gabi ay tawagan Hanggang kami ay nabubuhay At kami mga lingkod mo Sukuban ng iyong manto III Nang huwag kumalat-kalat Kaming iyong mga inanak Bakuran ng iyong lingap At palaguin ng gatas Ang awa at paglingap mo Kaming puwing sa mata mo IV Ang mata mo Inang Birhen Iyong ilingap sa amin Nang di kami alipin Nang demonyong taksil At agawin ng kamay mo At ng mahal na ngalan mo V Ikaw ang binahagian Sa D yos ng kapangyarihan Kami nama y subugan Hamog ng kapatawaran 31

Hirap man O saklolo Magdadaan sa kamay mo VI Sa D yos iyong idaing Na dito ay paalisin Yaong masamang hangin Kaming iyong kampo y tinawain Sa naggalang yaon dito Na nakasasalot sa tao VII Sa awang lubhang laganap Sa aming mga ovejas Sa presibo y nasusulat Milagro mong mapagmalas Madaling araw ng Sabado Naligo ang iyong rebulto VIII Ng sa kurang matalastas At ng sambayanang lahat Ginawa ang misa agad Sa iyong Birheng mapalad Bata at matandang tao Nagsipaligong totoo IX Ng naisipan ng kura Rebulto mo y ma-encarna Sa ilog ibinatad na Umugong baha pagdaka Ipinaahon kang totoo 32

X Sa awa mo Inang Birhen De La Ong devota namin Ang baha y agad tumigil Sakit ng baya y gayon din Maawain kang totoo Sa tumatawag sa iyo. 33